Ang pralina (Ingles: praline) ay isang kumpeksiyon na gawa magmula sa mga mani at sirup ng asukal (arnibal). Maaaring ang mga ito ay mga pirasong buo o giniling na pulbos. Ang pulbos ay karaniwang tinatawag bilang pralin. Kaiba ang mga pralinang mula sa Belhika. Mayroong silang matigas na balot na tsokolate na mayroong mas malambot ngunit kung minsan ay likidong palaman. Ang mga pralinang mula sa Pransiya ay isang kumbinasyon ng mga almond at karamelisadong asukal. Ang mga pralinang nagmumula sa Estados Unidos ay mayroong gatas o krema. Kung gayon, mas malalambot ang mga ito at mas makrema, katulad ng fudge.[1]

Pralina
Kahahango pa lamang na mga Amerikanong pralinang makrema na nakapatong sa isang piraso ng marmol; ang mga pralinang Europeo ay walang krema.
UriKumpeksiyoneriya
LugarPransiya
Pangunahing SangkapTsokolate, mga mani, sirup
Pralin (dinurog na praline)

Mga sanggunian

baguhin
  1. "New York Food Journal Guide to New Orleans Street Food".


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.