Prima facie
Ang Prima facie ay isang ekspresyong Latin na nangangahulugang "sa unang enkuwentro" o "sa unang pagtingin". Ang literal na salin ay "sa unang mukha" mula sa pambabaeng anyo ng primus("una") at facies("mukha) sa parehong ablatibong kaso. Ito ay ginagamit sa makabagong ingles pang-legal upang ipakita na sa unang pagsusuri, ang isang bagay ay lumabas na maliwanag sa sarili nito(self-evident) mula sa mga katotohanan. Sa karaniwang hurisdiksiyon ng batas, ang prima facie ay nagsasaad na ang ebidensiya malibang salungatin ay sasapat upang patunayan ang isang partikular na proposisyon o katotohanan. Ang salitang ito ay ginagamit din sa akademikong pilosopiya. Ang karamihan sa mga pamamaraang legal ay nangangailangan ng prima facie na umiral at ang mga kasunod na mga pamamaraan ay sisimulan upang subukan ito at lumikha ng pagpapasya.