Pagpoprograma sa kompyuter
(Idinirekta mula sa Programa ng kompyuter)
Ang pagpoprograma sa kompyuter (Ingles: computer programming), o pagpoprograma, ay ang proseso ng pagdisenyo at paggawa sa isang programa na papatakbuhin gamit ang isang kompyuter. Gumagawa ang mga programmer ng mga algoritmo gamit ang isang wikang pamprograma. Bukod dito, ginagawa rin nila ang pagsusuri, pagpo-profile sa mga algoritmong ito upang matiyak ang kahusayan nito, at ang aktwal na pagsasagawa sa programa (tinatawag na pagko-code, Ingles: coding). Ang resulta ng pagko-code ay ang source code ng programa, na madalas isinusulat gamit ang higit sa isang wika.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kompyuter ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.