Promiskuwidad
Ang promiskuwidad, na may literal na kahulugang walang pakundangan, pagiging halu-halo, walang kaayusan,[1] pagiging magulo, kawalan ng delikadesa, kawalan ng diskriminasyon, walang pinipili, walang pamantayan sa pagpili, kaswal, random, ala-suwerte, o pasumala,[2] ay isang salitang mas may kaugnayan sa ugaling pangpagtatalik ng tao o hayop. Kapag ginamit ang pariralang promiskuwidad ng tao o promiskuwidad ng hayop, nangangahulugan itong kawalan ng delikadesa ng isang tao o ng isang hayop kung sino man ang makatalik.[2][1] Ito ang gawain ng pakikipag-ugnayang may pakikipagtalik sa iba't ibang mga kapareha o mga pangkat ng kasarian, na kabaligtaran ng monogamiya, na mas lalo na sa kaharian ng mga hayop katulad ng sa mga tao. Ayon sa Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan ang promiskuwidad ay ang pagkakaroon ng 2 kasiping o kapareha sa pakikipagtalik sa loob ng hindi bababa sa panahon ng 6 na mga buwan. Maaari rin itong ilarawan bilang pakikilahok o pakikiisa sa sinumang tao o/at walang maingat na pagpapasya sa malaking bilang o maraming mga katambal na pampagtatalik.[3]
Maari din na ang promiskuwidad ay ang kasanayan ng pagkakaroon ng hindi sinasadyang pagtatalik (casual sex) na madalas sa iba't ibang kapareha o pagiging walang tinatangi sa pagpili ng kapareha sa pagtatalik.[4] Maaring magdala ang katawagan ng isang moral na paghuhusga kung titingnan ito sa konteksto ng isang namamayaning ulirang panlipunan para sa isang seksuwal na aktibidad na nagaganap lamang sa loob ng eksklusibong tapat na relasiyon. Isang karaniwang halimbawa ng kaugalian na nakikita na kawalang delikadessa sa loob ng ulirang panlipunan ng maraming kalinangan ang one-night stand (pang-isang gabi lamang) at (na nakita sa pamamagitan ng isang survey[5]) kadalasang isang paraan ng mga mananaliksik na bigyan ng kahulugan ng lipunan ang antas ng kawalang delikadesa sa anumang binigay na oras.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Promiscuity, thefreedictionary.com
- ↑ 2.0 2.1 Gaboy, Luciano L. Promiscuity, promiscuous - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 566.
- ↑ "Promiscuous - definition of promiscuous by the Free Online Dictionary". The Free Dictionary. Nakuha noong 21 Setyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "UK's most promiscuous city in 'one night stand' poll revealed". Metro.co.uk. Associated Newspapers Limited.