Prosyuto

(Idinirekta mula sa Prosciutto)

Ang prosyuto (Ingles at Italyano: prosciutto; IPA: /prəˈʃuːtoʊ/,[1] o /pro-syu-tp/) ay ang Italyanong salita para sa hamon. Sa Ingles, halos kadalasang ginagamit ang prosciutto para sa pinatanda, tinuyo, at "ginamot" (paraan ng paghahanda), at pinalasang Italyanong hamon na karaniwang hiniwa ng maninipis at inihahaing hindi naluluto; ito ang tinatawag na prosciutto crudo o "hilaw na hamon" sa Italyano at kaiba mula sa prosciutto cotto o "nilutong hamon". Nanggagaling ang pinakabantog at pinakamahal ang halagang mga hita ng prosyuto mula sa gitna at hilagang Italya (partikular na ang mula sa Tuskanya at Emilia), katulad ng Prosciutto di Parma, at yaong mula sa Friuli-Venezia Giulia, katulad ng Prosciutto di San Daniele.

Ang Prosciutto di Parma.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Bigkas ng "Prosciutto" Naka-arkibo 2018-06-12 sa Wayback Machine.. Mga talahuluganan ng Cambridge sa internet.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain at Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.