Psyche (sikolohiya)

Sa sikolohiya o dalubisipan, ang psyche /ˈsaɪki/ ay ang kabuuan ng isipang-tao, may malay man o hindi. Ang sikolohiya ay ang makaagham o masusing pag-aaral ng isipan. Mahaba ang kasaysayan ng paggamit ng psyche sa sikolohiya at pilosopiya na nagmula pa noong sinaunang panahon, at kumakatawan ito sa isa sa mga pangunahing konsepto upang maunawaan ang katauhan mula sa makaagham na pananaw. Ang salitang Ingles na “soul” ay kadalasang nagagamit lalo na sa mga lumang sulatin sapagkat iisa lamang ang kanilang kahulugan.  [1]

Etimolohiya

baguhin

Ang kahulugan ng griyegong salita na ψυχή (psūkhē) ay “buhay” na kaugnay sa salitang “hininga” mula sa pandiwang ψύχω (psukhō, “ihipan”). Ang salitang pinagmulan ay nangangahulugan din na “espiritu”, “kaluluwa”, “multo” at “sarili” na kaugnay sa katangiang kamalayan o “psyche”.

Sikolohiya noong sinaunang panahon

baguhin

Ang ideya ng psyche ay napapalibot sa pilosopiya ni Plato. Sa kanyang Phaedo, nagbigay si Socrates ng apat na argumento ukol sa buhay na walang hanggan at pagsasakabilang buhay matapos ang paghihiwalay ng katawan at kaluluwa. Binaggit din ni Socrates na mas madali makamtan ang karunungan at maranasan ang teorya ng anyo ni Plato dahil hindi ito nahahadlangan ng pisikal na katawan ng tao.

See also

baguhin
  1. Hillman J (T Moore, Ed.) (1989). A blue fire: Selected writings by James Hillman. New York, NY, USA: HarperPerennial. p. 20.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)