Pucchi Moni
Ang grupong Pucchi Moni (プッチモニ) (kilala rin bilang Petitmoni, Petit Moni, o Pucchimoni) ay ang ikalawang subgroup na nagawa dahil sa mga miyembrong galing sa Morning Musume. Sila'y hinahawakan ng produser na si Tsunku at ng kompanyang Hello! Project.
Kasaysayan
baguhinDahil sa katanyagang dinala ni Maki Goto sa grupong Morning Musume, nagpasiya si Tsunku na gumawa ng isang subgroup kung saan niya maaring ilagay si Maki. Ang grupong Petitmoni ay binuo, noong Nobyembre 1999, nina Kei Yasuda, Sayaka Ichii, at Maki Goto. Inilabas nila ang kaunaunahang single ng grupo, ang "Chokotto LOVE," na naging patok at nakabenta ng mahigit sa isang milyong kopya.
Ngunit pagkatapos ng tagumpay nito, umalis sa grupo si Sayaka pagkatapos niyang magtapos sa grupong Morning Musume. Dahil dito, inilagay si Hitomi Yoshizawa sa grupo. Naglabas ang grupo ng tatlong single bago ilabas ang kanilang kaunaunahang album, "Zenbu! Pucchi Moni."
Pagkatapos magtapos ni Maki at ihayag ang pagtatapos ni Kei sa grupong Morning Musume, ang mga miyembro ng grupo ay mag-iiba na naman. Sina Ayaka Kimura (ng Coconuts Musume) at Makoto Ogawa (ng Morning Musume) ang pumalit sa dalawa. Ngunit, ang bagong lineup na ito ay hindi nagtagal para makapaglabas ng kahit isang single. Pero, nakagawa sila ng isang awitin, na may pangalang "WOW WOW WOW," at inilagay ito sa isang compilation album ng Hello! Project, ang Pucchi Best 4. Gumawa rin sila ng kanilang bersion ng awiting "Chokotto LOVE" (may pangalang "Chokotto LOVE 2003 Version") at inilagay ito sa Pucchi Best 3.
Ang mga Miyembro
baguhinUnang Henerasyon (Nobyembre 1999 – Mayo 2000)
baguhinIkalawang Henerasyon (Mayo 2000 – Agosto 2002)
baguhin- Kei Yasuda (Pinuno)
- Maki Goto
- Hitomi Yoshizawa
Ikatlong Henerasyon (Augosto 2002 – Kasalukuyan)
baguhin- Hitomi Yoshizawa (Pinuno)
- Makoto Ogawa
- Ayaka Kimura
Diskograpiya
baguhinMga album
baguhin# | Pamagat ng Single | Inilabas noong |
---|---|---|
1 | Zenbu! Pucchi Moni (ぜんぶ! プッチモニ) | 2002-08-21 |
Mga awiting galing sa compilation album
baguhin# | Pamagat ng Awitin | Inilabas noong | Pamagat ng Album |
---|---|---|---|
1 | Chokotto LOVE 2001 Version (ちょこっとLOVE 2000 Version) | 2001-04-18 | Together! |
2 | Chokotto LOVE 2003 Version (ちょこっとLOVE 2003 Version) | 2002-12-18 | Pucchi Best 3 |
3 | WOW WOW WOW | 2003-12-17 | Pucchi Best 4 |
Mga single
baguhin# | Pamagat ng Single | Inilabas noong | Single V: Inilabas noong |
---|---|---|---|
1 | Chokotto LOVE (ちょこっとLOVE) | 1999-11-25 | 2000-01-19 |
2 | Seishun Jidai 1.2.3! / Baisekou Daiseikou! (青春時代1. 2. 3! /バイセコー大成功!) | 2000-07-26 | - |
3 | BABY! Koi no KNOCK OUT! (BABY! 恋にKNOCK OUT!) | 2001-02-28 | - |
4 | Pittari Shitari X'mas! (ぴったりしたいX'mas!) | 2001-11-14 | - |
Mga DVD
baguhin# | Pamagat ng DVD | Inilabas noong |
---|---|---|
1 | The Puchimobics (ザ★プチモビクス) | 2001-08-08 |
2 | Pucchi Moni Single V Clips 1 (プッチモニ シングルVクリップス①) | 2004-06-16 |
Ibang Proyekto
baguhinMga photobook
baguhinPamagat ng Photobook | Inilabas noong | Produser | ISBN |
Pucchi Moni Photo Book (プッチモニPhoto Book) | 2001-05-10 | TBA | ISBN 4-8470-2656-X |
Mga palabas sa radyo
baguhinPangalan ng Radio show | Nagsimula noong | Natapos noong | Pangalan ng himpilan ng radyo |
Ibang Impormasyon |
TBA | TBA | TBA | TBA | TBA |
]