Rhode Island
Ang Rhode Island (pagbigkas: /ˌɹoʊd ˈaɪlɪnd/), opisyal na State of Rhode Island, ay isang estado sa rehiyon ng New England sa Estados Unidos. Ang Rhode Island ay ang pinakamaliit na estado, pangwalo sa may pinakakakaunting populasyon, ngunit pumapangalawa sa pinakamakapal ang dami ng tao sa lahat ng 50 estado ng Estados Unidos (kasunod ng New Jersey). Kahangganan ng Rhode Island ang Connecticut sa kanluran at Massachusetts sa hilaga at silangan, kahati nito ang Long Island sa katubigan nito sa timog-kanluran. Ito rin ang may pinakamahabang pangalan sa lahat ng estado.
Rhode Island | |
---|---|
Bansa | Estados Unidos |
Sumali sa Unyon | Mayo 29, 1790 (13th) |
Kabisera | Providence |
Pinakamalaking lungsod | Providence |
Pamahalaan | |
• Gobernador | Daniel McKee (D) |
• Mataas na kapulungan | {{{Upperhouse}}} |
• [Mababang kapulungan | {{{Lowerhouse}}} |
Mga senador ng Estados Unidos | Jack Reed (D) Sheldon Whitehouse (D) |
Populasyon | |
• Kabuuan | 1,048,319 |
• Kapal | 691.0/milya kuwadrado (387.35/km2) |
• Panggitnang kita ng sambahayanan | $44,619 |
• Ranggo ng kita | 17th |
Wika | |
• Opisyal na wika | English |
Tradisyunal na pagdadaglat | R.I. |
Latitud | 41°09' N to 42°01' N |
Longhitud | 71°07' W to 71°53' W |
Ang Rhode Island ang nauna sa orihinal na Thirteen Colonies na magpahayag ng kasarinlan mula sa Britanya, noong Mayo 4, 1776, dalawang buwan bago pa ang ibang kolonya. Ito ay ang pinakahuli naman sa labintatlong orihinal na kolonya na nagratipika sa Saligang-batas ng Estados Unidos.[2][3]
"The Ocean State" ang opisyal na palayaw ng Rhode Island, dahil na rin sa heograpiya ng estado, dahil ito'y maraming malawak na look at kalookan na umaabot sa 14% ng kabuuang lawak nito. Ang kalupaan nito ay 2,710 km² (maliit lang ng kaunti sa Antique), ngunit higit na malaki ang kabuuang nasasakupan nito.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Elevations and Distances in the United States". U.S Geological Survey. Abril 29, 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 2, 2006. Nakuha noong Nobyembre 7, 2006.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jensen, Founding, 679; Friedenwald, Interpretation, 92–93. Hinango noong Abril 12, 2009.
- ↑ "US constitution Ratification: RI". Usconstitution.net. Enero 8, 2010. Nakuha noong Enero 26, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.