Pulo ng Yeonpyeong

37°40′0″N 125°41′47″E / 37.66667°N 125.69639°E / 37.66667; 125.69639

Pulo ng Yeonpyeong
Mapa ng kapuluan ng Yeonpyeong at kanilang mga pangunahing sentro ng populasyon
Pangalang Koreano
Hangul연평도
Hanja延坪島
Binagong RomanisasyonYeonpyeongdo
McCune–ReischauerYŏnpyŏngdo

Ang Pulo ng Yeonpyeong o Yeonpyeongdo (Pagbabaybay sa Koreano: [jʌnpʰjʌŋdo]) ay isang pangkat ng mga pulo sa Timog Korea na nasa Dagat na Dilaw, na nasa 80 km (50 milya) sa kanluran ng Incheon at 12 km (7.5 milya) sa timog ng dalampasigan ng Lalawigan ng Hwanghae, Hilagang Korea. Ang pangunahing pulo ng pangkat ay ang Daeyeonpyeongdo ("Malaking Pulo ng Yeonpyeong"), na payak na tinutukoy din bilang Pulo ng Yeonpyeong, na may areang 7.01 km2 (2.71 milya kuwadrado) at populasyong nasa bandang 1,300. Ang pangunahing sentro ng populasyon ay ang Yeonpyeong-ri, kung saan naroroon ang daungan ng barkong pantawid (ferry) ng pulo. Ang ibang may taong pulo ay ang Soyeonpyeongdo ("Maliit na Pulo ng Yeonpyeong") na may maliit na populasyon at areang 0.24 km2 (0.093 milya kuwadrado). May iba pang maliliit na mga pulong bumubuo sa pangkat.[1]

Ang pangkat ng mga pulong ito ang bumubuo sa Yeonpyeong-myeon, isa sa mga kahatian o subdibisyon ng Kondado ng Ongjin, Incheon, Timog Korea.

Kilala ang Pulo ng Yeonpyeong dahil sa kumouuri nito, isang natatanging tinimplahang alimango.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "연평도 (延坪島)" (sa wikang Koreano). Naver Encyclopedia. Nakuha noong 2010-10-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  2. "Yeonpyeong Island: A history". Telegraph. Nakuha noong 2010-11-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

}}

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Timog Korea ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.