Ang Pulong Ursula ay isang pulo na nasa Palawan. Nasa pulong ito ang isang santuwaryo o kanlungan ng mga ibon na kung tawagin ay Ursula Island Bird Refuge[1] (Kanlungan ng mga Ibon sa Pulong Ursula) na malapit sa Munisipalidad ng Brooke's Point na nasa katimugang Palawan. Ang maliit na pulong ito ay isang lugar na dinarayo ng mga ibong pandalampasigan at ibong-dagat tuwing panahon ng tagniyebe.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Peplow, Evelyn. "Ursula Island Bird Refuge," THE PHILIPPINES Tropical Paradise, Passport Books, 1991, p. 216.
  2. Palawan Tourism Council: Palawan Environment. Napuntahan noong Agosto 28, 2008.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.