Daungan

(Idinirekta mula sa Pundahan (lugar))

Ang pundahan o punduhan ay isang lugar kung saan ang mga barko, bangka o yate ay humihinto upang magpalipas ng oras o araw kung ang klima o panahon ay hindi maganda. Sa ibang pagkakataon ito rin ay nagiging lugar kalakalan o bagsakan ng mga lamang-dagat. Maari itong natural na pundahan o likha ng tao. Ang likhang taong pundahan ay pinalilibutan ng mga "pader-dagat" at "pamigil-tubig", samantalang ang natural na pundahan ay napalilibutan, kadalasan, ng mga lupain. Madalas na ipagkamali ang pundahan sa piyer.

Daungan ng mga sasakyang pandagat

Tinatawag ding daungan o pantalan, ang pundahan ay isang lokasyon sa baybayin ng dagat na nagpapadaung sa isa o higit pang mga sasakyang-dagat tulad ng barko at nagpapasakay ng mga tao o mga karga patungo o galing sa lupa. Pinipili ang mga lokasyon ng daungan para makapag-unlad ng transportasyon sa pagitan ng lupa at karagatan, para sa mga pangkomersyong demanda, at para sa isang daungan na ligtas sa mga malalakas na hangin at balon. May mga daungan na may malalalim ang lebel ng tubig, subalit ang mga ito ay makapagdaung ng mas marami at malalaking barko. Sa pagkalipas ng mga panahon, maraming daungan ang kumukontrol sa mga pangkaragatang trapik, may mga pasilidad na dumadala ng mga karga, at pangunguna sa kalakalang lokal. May ilan ring mga daungan na may kontribusyon sa pang-militar na mga aktibidad.

TransportasyonHeograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Transportasyon at Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.