Punong Ministro ng Canada

Ang Punong Ministro ng Canada (Ingles: Prime Minister of Canada, Pranses: Premier ministre du Canada) ay ang pangunahing ministro ng Korona, tagapangulo ng Gabinete, at siyang puno ng pamahalaan ng Canada, na may katungkulang payuhan ang monarko ng Canada o ang federal viceroy sa pagpapatupad ng kapangyarihang tagapagpaganap nito ayon sa saligang-batas.[1] Hindi nakasulat sa alinmang dokumentong konstitusyonal, umiiral ang taggapan dahil sa mahabang-kasanayang (nagmula sa United Kingdom, ang dating kapangyarihang kolonyal ng Canada) nagtatakda sa kinatawan ng monarko, ang gobernador-heneral, ay kailangang pumili ng isang punong ministro na inaasahang makakakuha ng kumpiyansa ng ihinahalal na House of Commons. Ito ay ang karaniwang lider ng partidong may hawak ng pinakamaraming puwesto sa naturang kapulungan.[2] Ang mga punong ministro ng Canada ay gumagamit ng estilong The Right Honourable (Pranses: Le Très Honorable), isang panghabambuhay na pribilehiyo.

Punong Ministro ng Canada
Incumbent
Justin Trudeau

mula 4 Nobyembre 2015
Tanggapan ng Punong Ministro
IstiloThe Right Honourable
Kasapi ng
Nag-uulat sa/kay
Tirahan
NagtalagaGobernador Heneral ng Canada
Haba ng terminoAt Her Majesty's pleasure
NagpasimulaSir John A. Macdonald
Nabuo1 Hulyo 1867
SahodCAD163,700 sa pagiging kasapi ng Parlamento + CAD163,700 sahod ng Punong Ministro $327,400
Websaytpm.gc.ca

Talababaan

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Brooks, Stephen (2007). Canadian Democracy: An Introduction (ika-5 (na) edisyon). Don Mills: Oxford University Press. pp. 233–234. ISBN 978-0-19-543103-2. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Brooks 2007, p. 235