Puwersang Lorentz

sa pisika, puwersa sa isang kargang punto sanhi ng mga electromagnetic field

Sa pisika partikular sa elektromagnetismo, ang puwersang Lorentz ang puwersa sa isang kargang punto sanhi ng mga electromagnetic field. Kung ang isang kargang q ay gumagalaw na may belosidad na v sa presensiya ng isang electric field E at isang magnetic field B, ito ay makakaranas ng isang puwersang

Ang mga pagkakaiba sa anyo ng pormulang ito ay naglalarawan ng magnetikong puwersa sa isang kawad na may kuryente(minsang tinatawag na puwersang Laplace), puwersang elektromotibo sa isang loop ng kawad na gumagalaw sa isang magnetic field(na isang aspeto ng batas ng induksiyon ni Faraday) at ang puwersa sa isang partikulo na maaaring naglalakbay malapit sa bilis ng liwanag(anyong relatibistiko ng puwersang Lorentz). Ang unang paghango ng puwersang Lorentz ay itinuturo kay Oliver Heaviside noong 1889 bagaman iminungkahi ng ilang mga historyan na mas nauna pa ang 1865 papel ni James Clerk Maxwell. Ito ay hinango ni Hendrik Lorentz ng mga ilang taon pagkatapos kay Heaviside.

Mga sanggunian

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.