Quadragesimo anno
Ang Quadragesimo anno (Latin ng “Sa ika-40 Taon”) ay ang ensiklikang inilabas ni Papa Pio XI noong 15 Mayo 1931, 40 taon pagkaraan ng ensiklikang Rerum novarum ni Papa Leo XIII. Hindi gaya ni Leo XIII, na tinugunan ang kondisyon ng mga manggagawa, tinalakay ni Pio ang etikal na implikasyon ng kaayusang panlipunan at pang-ekonomiya. Nilarawan niya na ang karamihan sa panganib ng kalayaan ng tao at ng karangalang buhat sa walang habas na kapitalismo at totalitaryong sosyalismo/komunismo. Nanawagan din siya upang maisaayos muli ang kaayusang panlipunang batay sa prinsipyo ng pagkakabuklod at pagbabalikatan.
Quadragesimo anno (Latin: Sa ika-40 Taon) Liham Ensiklikal ni Papa Pio XI | ||||
---|---|---|---|---|
| ||||
Petsa | 15 Mayo 1931 | |||
Argumento | Ukol sa muling pagsasaayos ng kaayusang panlipunan | |||
Bilang ng Ensiklika | 19 sa 31 ng Pontipikado | |||
Teksto | sa Latin sa Ingles |
Ang mga may malaking naiambag sa pormulasyon ng ensiklikang Quadragesimo anno ay ang mga Alemang Heswita, Katoliko Romanong teologo, at pilosopong panlipunang si Gustav Gundlach at ang Königswinterer Kreis sa pamamagitan ng isa sa mga pangunahing may-akdang si Oswald von Nell-Breuning.
Mga pagbabago mula noong Rerum novarum
baguhinNaglabas ng ensiklika si Papa Pio XI ganap na apatnapung taon mula noong Rerum novarum. Bago nito may mga pansamantalang pahayag si Papa Leo XIII at ang ensiklikang Singulari quadam ni Papa Pio X. Binigyan ng pangalawang pamagat na Muling Pagsasaayos ng Kaayusang Panlipunan ni Papa Pio XI ang kaniyang ensiklika. Sa unang bahagi, kaniyang binalikan at sinuri ang mga ensiklika ng mga náuna sa kaniya. Mabibigyang kredito ang Simbahan sa kaniyang paglahok sa pagsulong na ginawa at pag-aambag dito. Nagsimula ito ng bagong kamalayang panlipunan.[1]
Pribadong ari-arian
baguhinMay gampanin ang Simbahan sa pagtalakay ng mga naturang isyu. Ang mga isyung panlipunan at pang-ekonomiya ay mahalaga sa kaniya, hindi sa teknikal na pananaw, kundi dahil sa mga isyung moral na nakapaloob dito. Kasama sa mga konsiderasyong etikal ay ang natural na katangian ng pribadong ari-arian,[2] na lumikha ng magkakataliwas na pananaw sa loob ng Simbahang Katolika. Ipinahayag ni Papa Pio XI na ang pribadong ari-arian ay mahalaga sa pag-unlad ng kalayaan ng indibidwal. Ang sino mang magkait ng pribadong ari-arian ay nagkakait din ng personal na kalayaan at pag-unlad. Ngunit ani Pio, may tungkuling panlipunan din ang pribadong ari-arian. Nawawalan ng moralidad ang pribadong ari-arian kapag ito'y hindi ipinasasailalim para sa kabutihan ng lahat. Kaya't ang mga pamahalaan ay may karapatang magsulong ng mga patakarang mamamahagi nito. Sa mga sukdulang kaso, kinikilala ng Papa ang karapatan ng Estado na mag-expropriate ng pribadong ari-arian.[3]
Kapitál at Paggawa
baguhinIsang kaugnay na paksa, ani Pio, ay ang ugnayan sa pagitan ng kapitál at paggawa at ng determinasyon ng wastong pasahod.[4] Pinagyabong ni Pio ang mga sumusunod na mandatong etikal: Itinuturing ng Simbahan na preserbasyon ng lipunang industriyal ang pagkakaroon ng maunlad at malinaw na magkasalungat na panig batay sa kita. Tatlong elemento ang nagpapasiya ng patas na pasahod: Ang tungkulin ng manggagawa sa pamilya, ang kondisyong pang-ekonomiya ng negosyo, at ang ekonomiya sa kabuuan. Ang pamilya ay may likas na karapatang umunlad, ngunit mangyayari lamang ito sa loob ng balangkas ng isang malusog na ekonomiya at matatág na negosyo. Dahil dito, nagwakas si Papa Pio na ang pagkakabuklod at hindi alitan ang kinakailangang kondisyon, sa gayong nakasalalay sa isa't isa ang mga sangkot na panig.[4]