Quality assurance
Ang quality assurance (salitang Ingles at dinadaglat bilang QA; literal sa wikang Tagalog: kasiguraduhan sa kalidad) ay isang paraan upang maiwasan ang mga pagkakamali sa mga ginagawang produkto at maiwasan ang mga problema kapag nagbibigay solusyon o serbisyo sa mga mamimili; kung alin tinutukoy ng ISO 9000 na "parte ng pamamahalang kalidad na nakatuon sa pagbibigay kasiguraduhan na ang kalidad na kinakailangan ay matutupad." Itong pag-iwas ng depekto sa quality assurance ay may kaunting kaibahan sa pagtuklas ng pagkukulang at pagtanggi sa kalidad ng kontrol at tinutukoy na shift left habang ito ay nakatuon sa kalidad sa unang bahagi ng proseso.
Ang QA ay ginagamit sa produktong pisikal sa pre-produksyon upang matiyak na ang mga espesipikasyon at kailangan ng mga gagawin ay matutugon. Sa panahon ng Pagmamanupaktura, ang produksyon ay tumatakbo sa pamamagitan ng pagsisiguro na makakamit ng mga sample ang tinukoy na kalidad ng pinamamahala. Ang QA ay ginagamit din sa mga software upang tiyakin na ang mga katangian at pagkakagawa ay matamo ang mga layunin ng negosyo at ang code ay malaya sa kamalian o bug bago ang pagpapadala o ilalabas mga bagong produkto at mga bersyon ng software.
Saklaw ng quality assurance ang administratibo at pamamaraang gawaing ipinapatupad sa isang sistemang kalidad upang ang mga kailangan at layunin para sa isang produkto, serbisyo, o gawain ay matutupad. Ang maparaang pagsukat, may pamantayang paghahambing, pagbabantay ng mga proseso at kaugnay na feedback loop ay ang nagpapaiwas ng kamalian. Ito ay pwedeng pag-ibahin sa pagkontrol ng kalidad, na nakatuon sa kalabasan ng proseso.