Quasar (Makalangit na katawan)

Ang mga Quasar, o tinatawag na quasi-stellar radio sources ay ang mga pinaka-makapangyarihan at pinakamalalayong miyembro sa isang klase ng mga bagay na tinatawag na active galactic nuclei (AGN). Ang mga Quasar ay sobrang maliwanag at unang nakita bilang pinanggagalingan ng enerhiyang elektromagnetiko, radio waves, at ilaw, na mala-bituin kumpara sa mga mas malalaking sanggunian tulad ng mga galaxy, at matatagpuan sa mataas na parte ng redshift. Sila ay may malalawak na emission lines sa kanilang spectra, hindi tulad ng mga bituin, kaya sila tinawag na quasi-stellar o mala-bituin. Ang liwanag nila ay maaaring maging 100 beses na mas maliwanag kaysa sa ating sariling galaxy. Kahit na naging kontrobersyal ang kalikasan ng mga bagay na ito hanggang noong maagang 1980s, mayroon na ngayong siyentipikong pagkakaisa na ang quasar ay isang siksik na rehiyon sa gitna ng napakalaking galaxy na nakapalibot sa isang mas malaki pang Itim na butas. Ang laki nito ay 10-10,000 beses lamang ng Schwarzschild radius ng itim na butas. Ang enerhiyang ibinibigay nito ay nakukuha mula sa bagay na nahuhulog sa accretion disc sa paligid ng isang itim na butas.

Ang mga quasar ay nagpapakita ng mataas na redshift, na epekto ng paglawak ng universe mula sa quasar at sa Earth. Kapag isinama sa batas ni Hubble, ang implikasyon ng redshift ay napakalalayong bagay ng mga quasar. Sila ay mahilig na tumahan sa gitna ng mga napaka-aktibo at batang galaxy, at sila ay isa sa mga pinaka-maliwanag, malakas at masiglang bagay sa universe, na naglalabas ng mahigit sa isang libong beses ng enerhiya na inilalabas ng Milky Way, na naglalaman ng 200-400 bilyong bituin. Ang radyasyong ito ay inilalabas sa buong electromagnetic spectrum, na halos pare-pareho, m[1]ula sa mga x-rays, hanggang sa mga malayong infrared na may taluktok sa ultraviolet-optical bands, may mga quasar din na malakas na sanggunian ng paglabas ng radio waves at gamma-rays




[1]

Mga Sanggunian

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.