Queen Harish

Indiyanong mananayaw (1979–2019)

Si Harish Kumar (1979 - Hunyo 2, 2019) na kilala bilang Queen Harish ay isang mananayaw-pambayan mula sa Rajasthan, India. Isang taong nagsumikap tungo sa muling pagkabuhay ng mga katutubong sayaw ng Rajasthani,[4] ang kaniyang mga pagtatanghal ay kinabibilangan ng iba't ibang porma ng katutubong sayaw mula sa Rajasthan tulad ng Ghoomar, Kalbelia, Chang, Bhawai, at Chari.

Queen Harish
Kapanganakan1979[1]
  • (Jaisalmer tehsil, Jaisalmer district, Jodhpur division, Rajasthan, India)
Kamatayan2 Hunyo 2019[2]
MamamayanIndia
Trabahokoreograpo[3]

Talambuhay

baguhin
 
Queen Harish na nakakasuotang drag

Si Harish Kumar ay ipinanganak noong 1979, sa isang pamilya ng karpintero sa komunidad ng Suthar sa Jaisalmer sa Rajasthan.[5] Nagsimula siyang sumayaw sa edad na 13.[6] Si Harish, na nawalan ng mga magulang, ay dumating upang sumali sa sayaw na drag para tustusan ang kaniyang mga kapatid na babae.[kailangan ng sanggunian] Dahil sa inspirasyon ni 'Annu Master', ang unang tagapagtanghal na drag sa rehiyon ng Jaisalmer, nagsimula siyang matuto ng sayaw na drag sa ilalim niya.[kailangan ng sanggunian] Nagsanay siya ng Amerikanong estilong tribong belly dance para maging mas may kakayahan ang kaniyang katawan sa lahat ng galaw ng babae.[7]

Si Harish ay nagtanghal ng Ghoomar, Kalbelia, Chang, Bhavai, Chari, at iba pang katutubong sayaw ng estado ng Rajasthan, sa halos 60 bansa.[5] Ang kaniyang pagtatanghal ay isa sa mga highlight ng taunang Pampanitikang Pistang Jaipur Literary.[8] Lumahok siya sa Raqs Congree sa Bruselas, Belly Dancing Championship sa Seoul at Desilicious sa New York City.[9] Siya ay lumabas sa reality television show na 'India's Got Talent' at ilang Bollywood na pelikula kabilang ang Appudappudu (2003), Jai Gangaajal (2016) at The Accidental Prime Minister.[10][11] Noong 2007, nagbida siya sa dokumentaryo na When the Road Bends: Tales of a Gypsy Caravan ng Amerikanong tagagawa ng pelikula na si Jasmine Dellal.[12][13] Sa pakikipagtulungan sa pamahalaan ng Rajasthan, nagpatakbo siya ng pang-araw-araw na palabas sa gabi sa Jaisalmer na tinatawag na The Queen Harish Show.[14] Isa rin siyang koreograpong may mahigit dalawang libong estudyante sa Hapon lamang.[kailangan ng sanggunian]

Personal na buhay at kamatayan

baguhin

Naiwan ni Harish ang kaniyang asawa at dalawang anak na lalaki.[15] Namatay siya sa edad na 39, noong 2019 Hunyo 2, sa isang aksidente sa kalsada sa isang Highway sa Kaparda nayon malapit sa Jodhpur sa Rajasthan.[16]

Mga sanggunian

baguhin
  1. https://fox-walk.com/queenharish-passed/.
  2. https://www.dnaindia.com/india/report-who-was-queen-harish-kumar-2756490.
  3. https://www.indiawest.com/news/india/renowned-folk-dancer-queeny-harish-killed-in-road-accident/article_d23beb4a-8631-11e9-9d4f-8fb4922e131b.html.
  4. "Farewell, Queen Harish – India's most famous drag queen". Times of India Blog. 21 Hunyo 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 "Jaipur diary: Rajasthan mourns folk dancer Queen Harish". The New Indian Express.
  6. "Obituary | Queen Harish, India's 'Dancing Desert Drag Queen'". The Wire.
  7. "Blush.me". Blush (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-02-07. Nakuha noong 2022-03-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Swaminathan, Chitra (6 Hunyo 2019). "Dance like Queen Harish". The Hindu (sa wikang Ingles).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Queen Harish of Jaisalmer, Traditional Dancers from Jaisalmer". www.jaisalmeronline.in (sa wikang Ingles).
  10. "Who was Queen Harish Kumar?". DNA India (sa wikang Ingles).
  11. "Harish". IMDb.
  12. Roy, Sandip (22 Hulyo 2008). "Queen Harish dances in drag". SFGATE.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Rajasthani folk dancer Queen Harish dies in road accident". The Indian Express (sa wikang Ingles). 3 Hunyo 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Queen Harish: The Man, The Woman, The Performer". eNewsroom India. 4 Marso 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Soparrkar, Sandip (10 Hunyo 2019). "Queen Harish: The man, the woman & the mystery will stay the same forever". The Asian Age.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. ഡെസ്ക്, വെബ് (2 Hunyo 2019). "നാടോടി നർത്തകൻ ക്വീൻ ഹാരിഷ് വാഹനാപകടത്തിൽ മരിച്ചു". www.madhyamam.com (sa wikang Malayalam).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)