Ang Quetzalcoatlus ay isang pterosaur na nabuhay noong Panahong Huling Kretaseyoso ng Hilagang Amerika (Maastrichtian stage). Isa ito sa pinakamalaking kilalang lumilipad na hayop sa lahat ng panahon. Ang Quetzalcoatlus ay isang miyembro ng pamilyang Azhdarchidae, isang pamilya ng mga pterosaur na walang ngipin na may hindi pangkaraniwang mahabang leeg. Kapag ito ay nakatayo sa lupa ito ay kasing taas ng isang giraffe. Mayroon itong lapad ng pakpak na 10 hanggang 12 metro (33 hanggang 40 talampakan)[1], ngunit tumitimbang lamang ng humigit-kumulang 70 kilo[2].

Ang pangalan nito ay nagmula sa mabagwis na serpiyenteng diyos ng mga Aztec, si Quetzalcoatl, sa Nahuatl. Ang pangunahing espesye ay ang Q. northropi, na pinangalanan ni Douglas Lawson noong 1975; kabilang din sa sari ang mas maliit na species na ang Q. lawsoni, na kilala sa loob ng maraming taon bilang isang hindi pinangalanang espesye bago pinangalanan nina Brian Andres at Wann Langston Jr. pagkatapos ng pagpanaw noong 2021.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Langston, W. 1981. Pterosaurs, Scientific American, 244: 122-136.
  2. Atanassov, Momchil N.; Strauss, Richard E. (2002). "How much did Archaeopteryx and Quetzalcoatlus weigh? Mass estimation by multivariate analysis of bone dimensions". Society of Vertebrate Paleontology.