Ang Quit It ay isang nobela noong 2002 na isinulat ni Marcia Byalick hinggil sa isang batang babae na namumuhay na mayroong sakit na sindromang Tourette (Tourette syndrome o TS). Ito ang unang nobela ni Byalick para sa tagapaglathalang Delacorte Press. Nakatuon ang aklat sa kay Carrie, isang batang babae na nasa ika-7 grado sa paaralan at kamakailan lamang ay nabigyan ng diyagnosis na mayroong siyang sindromang Tourette. Isang aklat na para sa mga kabataang nasa kaagahan ng kanilang pagdadalaga o pagbibinata, ang Quit It ay gumagalugad sa mga pakikibaka ni Carrie upang malabanan ang sindromang Tourette habang sinusubukan niyang umangkop o makibagay sa kaniyang mga kasama.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Quit It. Tourette Syndrome Association. Retrieved on August 21, 2009.

Mga kawing panlabas

baguhin