Surah Al-Lahab

(Idinirekta mula sa Quran 111)

Ang Surah al-lahab (Arabiko: سورة المسد‎) (Ama ng Apoy) ang ika-111 kapitulo ng Koran na may 5 talata.

Sura 111 ng Quran
ٱلمَسَد
Al-Masad
KlasipikasyonMakkan
Alternatibong pamagat (Ar.)ٱلتَبَّت
Ibang pangalanAt-Tabbat, Lahab
PosisyonJuzʼ 30
Blg. ng talata5
Blg. ng zalita29
Blg. ng titik81

Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal

1. Pagkawasak at tuluyang pagkabigo sa dalawang kamay ni Abû Lahab dahil sa kanyang pamiminsala sa Sugo ng Allâh na si Propeta Muhammad (saw), at walang pag-aalinlangang ito ay tunay na naganap sa kanya.

2. Hindi naging kapaki-pakinabang sa kanya ang kanyang kayamanan at anak, na kung kaya, kailanman ay walang magagawa ang mga ito sa kanya upang siya ay iligtas mula sa kaparusahan ng Allâh kapag ito ay dumating na sa kanya.

3. Walang pag-aalinlangan, siya ay papapasukin sa naglalagablab na Apoy,

4. At ganoon din ang kanyang asawa na siyang nagdadala ng mga tinik upang ito ay ikalat sa dinaraanan ng Propeta bilang pamiminsala sa kanya.

5. Na nakapulupot nang mahigpit sa kanyang leeg ang lubid na magaspang ng ‘Masad’ – hibla ng puno ng palmera, at iniaangat siya sa pamamagitan nito sa Impiyernong-Apoy, pagkatapos ay ihahagis siya tungo sa kaila-ilaliman nito.