Surah Asy-Syams

(Idinirekta mula sa Quran 91)

Ang Sūrat al-Shams (Arabic: الشمس‎ aš-Šams, Ang Araw) ang ika-91 sura ng Koran na may 15 ayat.

Sura 91 ng Quran
الشمس
Ash-Shams
KlasipikasyonMakkan
PosisyonJuzʼ 30
Blg. ng talata15
Blg. ng zalita54
Blg. ng titik249

Mga bersikulo

baguhin

Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal

1. Sumumpa ang Allâh sa pamamagitan ng araw (‘sun) at sa liwanag ng sinag sa umpisa ng araw (‘day) nito,

2. At sa pamamagitan ng buwan kapag ito ay sumunod (o humalili) sa araw sa pamamagitan ng paglitaw nito at lulubog (naman ang araw),

3. At sa araw (‘day) kapag naglaho na ang kadiliman at lumiwanag na,

4. At sa gabi kapag natakpan na at dumilim na ang kalupaan,

5. At sa kalangitan at sa matatag na pagkakataas nito,

6. At sa kalupaan at pagkalatag nito,

7. At sa bawa’t tao at sa pagkakaganap na pagkakalikha rito ng Allâh upang magampanan niya ang kanyang tungkulin,

8. Nilinaw sa kanya ang daan ng masama at daan ng mabuti, katiyakan,

9. Nagtagumpay ang sinumang nilinis niya ang kanyang pagkatao at pinalago niya sa kabutihan,

10. At katiyakan, natalo ang sinumang nilulong niya ang kanyang sarili sa mga kasalanan.

11. Tinanggihan ng sambayanan ni Thamoud ang kanilang Propeta sa pamamagitan ng ginawa nilang sukdulang paglabag,

12. Noong isinagawa ng karamihan sa tribo ang kasamaan sa pamamagitan ng pagsasaksak nila sa babaeng kamelyo,

13. Na sinabi sa kanila ng Sugo ng Allâh na si Sâleh: “Ingatan ninyo na makagawa kayo ng anumang masamang hakbang laban sa babaeng kamelyo na ipinadala ng Allâh sa inyo bilang palatandaan, at ingatan ninyo na maharangan ang pagpapainom sa kanya ng kanyang inumin, dahil para sa kanya ang isang araw upang makainom at para naman sa inyo ang isang araw,”

14. At naging mahirap ito sa kanila, na kung kaya, pinasinungalingan nila ang anumang babala sa kanila, kaya pinatay nila ang babaeng kamelyo, na sa ganitong kadahilanan ay winasak sila ng kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha bilang parusa sa kanilang kasalanan, at ginawa ito sa kanila na magkakasabay na walang sinuman ang nakaligtas sa kanila.

15. At kailanman ay hindi natatakot ang Allâh sa anumanng magiging bunga ng iginawad Niyang matinding kaparusahan sa kanila.