Si Robert Thomas "Tom" Smith (Mayo 20, 1878 - Enero 23, 1957) ay isang Amerikanong tagapagsanay ng kabayong pangarera. Ipinanganak siya sa isang kabinang yari sa troso sa kakahuyan ng hilagang-kanlurang Georgia. Bilang isang kabataang lalaking, nagturo siya ng mga kabayo para sa Kabalriya ng Estados Unidos at naghanapbuhay sa isang rantso ng mga baka. Noong 1934, nakatanggap siya ng trabaho bilang tagapagsanay ng pangarerang kabayong si Seabiscuit, na pag-aari ng mayamang negosyanteng si Charles S. Howard. Unang nakaharap ni Tom Smith si Seabiscuit noong 1936. Noong panahong iyon, isang hindi malusog na kabayo si Seabiscuit, matatakutin, at ayaw kumain. Ngunit nabago ni Smith si Seabiscuit sa pamamagitan ng tamang pagturing o pakikitungo rito. Ayon kay Smith, "Nananatiling katulad ng dati ang mga kabayo, magmula nang ipanganak sila magpahanggang sa araw ng kanilang kamatayan... Napagbabago lamang sila ng paraan ng pagtrato sa kanila ng mga tao."[1] Kilala rin siya bilang Silent Tom dahil sa likas na pagiging tahimik.

Mga sanggunian

baguhin
  1. The Christophers (2004). "Tom Smith". Three Minutes a Day, Tomo 39. The Christophers, Lungsod ng Bagong York, ISBN 0939055384.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina para sa Oktubre 3.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.