RETScreen
Ang RETScreen Clean Energy Management Software (kadalasang tinatawag na RETScreen) ay isang software package na dinivelop ng Pamahalaan ng Canada. Ang RETScreen Expert ay na-highlight sa 2016 Clean Energy Ministerial sa San Francisco.[1] Makukuha ang software sa 36 wika, kasama ang Tagalog.
(Mga) Developer | Pamahalaan ng Canada | Multiple |
---|---|
Unang labas | 30 Abril 1998 |
Stable release | RETScreen Expert Version 9.0
/ 29 Setyembre 2022 |
Website | retscreen.net |
Ang RETScreen Expert ang pinakabagong bersyon ng software at na-release sa publiko noong 19 Setyembre 2016. Gamit ang software, maaari nang matukoy, matasa, at ma-optimize ang teknikal at pinansiyal na viability ng potensiyal na mga proyekto ng malinis na enerhiya. Pinahihintulutan din nito ang pagsukat at pag-alam ng datos ng aktuwal na pagganap ng mga pasilidad at tumutulong na humanap ng karagdagang oportunidad para sa pagtitipid/produksyon ng enerhiya.[2] Ang "Viewer mode" sa RETScreen Expert ay walang-bayad at nagbibigay ng access sa lahat ng functionality ng software. Gayunman, hindi tulad ng mga nakaraang bersyon ng RETScreen, ang bagong "Professional mode" (na nagpapahintulot sa mga user na mag-save, print, atbp.) ay available na ngayon para sa taunang subscription.
Ang RETScreen Suite, na binubuo ng RETScreen 4 at RETScreen Plus, ay ang nakaraang bersyon ng RETScreen software. Ang RETScreen Suite ay may kasamang cogeneration at mga kakayahan para sa off-grid analysis.
Hindi tulad ng RETScreen Suite, ang RETScreen Expert ay isang integrated na software platform. Gumagamit ito ng detalyado at komprehensibong archetype para sa mga proyekto para sa pagtatasa at may kalakip na kakayahan para sa portfolio analysis. Ini-integrate ng RETScreen Expert ang ilang database upang tulungan ang user, kasama ang isang pangglobong database ng mga lagay ng panahon mula sa 6,700 mga ground-based na istasyon at satellite data mula sa NASA; benchmark database, cost database, project database, hydrology database at product database.[3] Ang software ay may naka-integrate na training material, kasama ang isang elektronikong textbook.[4]
Kasaysayan
baguhinAng unang bersyon ng RETScreen ay na-release noong 30 Abril 1988. Ang RETScreen Version 4 ay inilunsad noong 11 Disyembre 2007 sa Bali, Indonesia ng Minister of the Environment ng Canada.[5] Ang RETScreen Plus ay na-release noong 2011.[6] Ang RETScreen Suite (na may naka-integrate na RETScreen 4 at RETScreen Plus na may ilang karagdagang update), ay na-release noong 2012.[7] Ang RETScreen Expert ay na-release sa publiko noong 19 Setyembre 2016.[8]
Kinakailangan para sa program
baguhinKailangan ng program ang Microsoft® Windows 7 SP1, Windows 8.1 o Windows 10; at Microsoft® .NET Framework 4.7 o mas mataas.[9] Posibleng gumana ang program sa mga Apple Macintosh computer gamit ang Parallels o VirtualBox para sa Mac.[10]
Mga Partner
baguhinAng RETScreen ay pinamamahalaan sa ilalim ng pangunguna at tuluy-tuloy na pinansyal na suporta ng CanmetENERGY Varennes Research Centre of Natural Resources Canada, isang kagawaran ng Gobyerno ng Canada. Ang core team[11] ay may kolaborasyon sa ilan pang mga organisasyon ng pamahalaan at multi-lateral, na may teknikal na suporta mula sa malawak na network ng mga eksperto mula sa industriya, gobyerno at akademya.[12] Lakip sa mga pangunahing partner ang Langley Research Center[13] ng NASA, ang Renewable Energy and Energy Efficiency Partnership (REEEP),[14] Independent Electricity System Operator (IESO) ng Ontario,[15] Energy Unit of the Division of Technology ng UNEP,[16] ang Global Environment Facility (GEF),[17] ang Prototype Carbon Fund ng World Bank,[18] at ang Sustainable Energy Initiative ng York University.[19]
Mga halimbawa ng paggagamitan
baguhinMula noong Pebrero 2018, ang RETScreen software ay mayroon nang 575,000 user sa bawat bansa at teritoryo.[20]
Ayon sa pagtatantya ng isang independent impact study,[21] sa pagsapit ng 2013, ang paggamit ng RETScreen software ay naging responsable sa pangglobong pagtitipid ng $8 billion sa mga gastos ng user transaction, 20 MT sa isang taon na natipid na greenhouse gas emission at nagpahintulot sa hindi bababa sa 24GW ng na-install na kapasidad ng malinis na enerhiya.
Ang RETScreen ay malawak na ginagamit upang pangasiwaan at ipatupad ang mga proyekto ng malinis na enerhiya. Bilang halimbawa, ginamit ang RETScreen:
- upang i-retrofit ang Empire State Building ng mga sistema sa pagkakaroon ng mas episyenteng paggamit ng enerhiya[22]
- sa mga pasilidad ng pabrika ng 3M Canada[23]
- nang lubusan ng industriya ng enerhiyang mula sa hangin sa Ireland upang tasahin ang mga potensyal na bagong proyekto[24]
- upang i-monitor ang pagganap ng daan-daang paaralan sa Ontario[25]
- ng programa ng Manitoba Hydro para sa programa ng pinagsamang init at kuryente (bioenergy optimization) upang i-screen ang mga application para sa mga proyekto[26][27]
- upang pamahalaan ang enerhiya sa mga campus ng unibersidad at kolehiyo[28]
- sa maramihang taong pagtatasa at pagsusuri ng photovoltaic na pagganap sa Toronto, Canada[29][30]
- upang suriin ang solar air heating sa mga instalasyon ng U.S. Air Force[31]
- sa mga pasilidad sa mga munisipalidad, lakip ang pagtukoy ng mga oportunidad para sa mga retrofit ng pagiging episyente ng enerhiya sa ilang munisipalidad sa Ontario.[32][33]
Ang komprehensibong koleksyon ng mga artikulo na nagdedetalye kung paano ginagamit ang RETScreen sa iba't ibang sitwasyon ay available sa LinkedIn page ng RETScreen.[34]
Ang RETScreen ay ginagamit din bilang tool sa pagtuturo at pagsasaliksik sa mahigit sa 1,100 unibersidad at kolehiyo sa buong mundo, at madalas na binabanggit sa mga literatura sa akademya.[35] Ang mga halimbawa ng gamit ng RETScreen sa akademya ay makikita sa ilalim ng mga seksyong “Publications and Reports” at "University and College Courses" ng RETScreen newsletter, na maaaring ma-access sa User manual sa na-download na software.
Ang paggamit ng RETScreen ay inaatas o inirerekomenda ng mga programa ng insentibo para sa malinis na enerhiya sa lahat ng antas ng gobyerno sa buong mundo, lakip ang UNFCCC at EU; Canada, New Zealand at UK; ilang mga estado sa America at mga probinsya, lungsod, munisipalidad at utility sa Canada.[36] Ang mga pambansa at pangrehiyong training workshop para sa RETScreen ay isinaayos ayon sa opisyal na kahilingan ng mga Gobyerno ng Chile,[37] Saudi Arabia,[38] 15 bansa sa Kanluran at Gitnang Africa,[39] at ng Latin American Energy Organization (OLADE).
Mga award at pagkilala
baguhinNoong 2010, ang RETScreen International ay ginantimpalaan ng Public Service Award of Excellence,[40] ang pinakamataas ng gantimpalang ibinibigay ng gobyerno ng Canada sa mga civil servant nito.
Ang RETScreen at ang RETScreen team ay nakatanggap ng nominasyon at iba pang prestihiyosong gantimpala lakip ang Ernst & Young/Euromoney Global Renewable Energy Award, Energy Globe (Pambansang Gantimpala para sa Canada), at ang GTEC Distinction Award Medal.[41]
Mga Review
baguhinSa isang International Energy Agency review ng beta release ng bahagi ng software para sa hydropower ay nagsabing ito ay "lubhang kahanga-hanga".[42] Ipinahayag ng European Environment Agency na ang RETScreen ay isang "lubhang kapaki-pakinabang na tool."[43] Ang RETScreen ay tinawag ding "isa sa ilang mga software tool at ang pinakamahusay sa mga ito, available para pag-arawal ang mga ekonomiya ng mga instalasyon ng renewable na enerhiya" at "isang tool upang mapahusay ang kaugnayan ng merkado" ng malinis na enerhiya sa buong mundo.[21]
Talasanggunián
baguhin- ↑ "Canada, Mexico and the United States Show Progress on North American Energy Collaboration". News.gc.ca. 2016-06-03. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-10-25. Nakuha noong 2016-10-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Clean Energy Solutions Center. "Financial Analysis with RETScreen" (Video). Youtube.com. Nakuha noong 2016-10-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "NASA - NASA Collaboration Benefits International Priorities of Energy Management". Nasa.gov. 2010-02-24. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-06-07. Nakuha noong 2016-07-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Clean Energy Project Analysis, RETScreen® Engineering & Cases Textbook: M154-13/2005E-PDF - Government of Canada Publications" (PDF). Publications.gc.ca. Nakuha noong 2016-02-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archived - CANADA LAUNCHES CLEAN ENERGY SOFTWARE - Canada News Centre". News.gc.ca. 2007-12-11. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-12. Nakuha noong 2016-07-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "RETScreen adds energy performance analysis module". REEEP.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-06-23. Nakuha noong 2016-07-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archived - RETScreen International Newsletter - 2012-06-05: Major Upgrade to RETScreen Software". Web.archive.org. 2012-06-05. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-07-15. Nakuha noong 2016-07-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archived - RETScreen International Newsletter - Coming Soon: RETScreen Expert Software". Web.archive.org. 2015-01-30. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-07-02. Nakuha noong 2016-07-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "RETScreen, Natural Resources Canada". Nrcan.gc.ca. Nakuha noong 2016-07-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archived - RETScreen International - FAQ - Windows/Excel & other". Web.archive.org. 2015-04-24. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-07-14. Nakuha noong 2016-07-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archived - RETScreen International Core Team". Web.archive.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-09-29. Nakuha noong 2018-02-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archived - RETScreen International Network of experts". Web.archive.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-09-29. Nakuha noong 2018-02-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "NASA - POWER". Nasa.gov. Nakuha noong 2018-02-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Renewable Energy and Energy Efficiency Partnership (REEEP)". REEP.org. Nakuha noong 2018-02-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "IESO". IESO.ca. Nakuha noong 2018-02-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "About DTIE". Uneptie.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-04-08. Nakuha noong 2018-02-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Global Environment Facility". Thegef.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-12-25. Nakuha noong 2018-02-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Carbon Finance at the World Bank: Prototype Carbon Fund". Wbcarbonfinance.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-12-25. Nakuha noong 2018-02-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sustainable Energy Initiative". Yorku.ca. Nakuha noong 2018-02-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archived - RETScreen International - RETScreen Software: Cumulative Growth of User Base". Web.archive.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-09-20. Nakuha noong 2016-07-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 21.0 21.1 "Archived - RETScreen International: Results & impacts 1996-2012" (PDF). Web.archive.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-09-26. Nakuha noong 2016-07-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archived - RETScreen International - Energy Performance Contracting" (PDF). Web.archive.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-05-11. Nakuha noong 2016-07-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "3M Canada Deploys RETScreen Software".
- ↑ "Archived - RETScreen International - Wind Power and Biomass Heating Projects Seamus Hoyne, TEA and Tipperary Institute" (PDF). Web.archive.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-08-06. Nakuha noong 2016-07-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "School Board Energy Managers Lead Way".
- ↑ "Bioenergy Optimization Program". Hydro.mb.ca. Nakuha noong 2016-07-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archived - RETScreen International - Power Smart Bioenergy Optimization Program" (PDF). Web.archive.org. Hunyo 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-05-11. Nakuha noong 2016-10-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Universities and Colleges Reduce Carbon".
- ↑ "Solarcity Technology Assessment Partnership". Explace.on.ca. Hunyo 2009. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2018-12-25. Nakuha noong 2016-07-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Horse Palace Photovoltaic Pilot Project: Update Report" (PDF). Solarcitypartnership.ca. Enero 2012. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2013-11-02. Nakuha noong 2016-07-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "AN EVALUATION OF SOLAR AIR HEATING AT UNITED STATES AIR FORCE INSTALLATIONS". Dtic.mil. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-09-09. Nakuha noong 2016-07-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Katelyn McFadyen and Cristina Guido - Municipal Energy Champions". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-04-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Internet Archive Wayback Machine". Web.archive.org. 2014-08-08. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-05-11. Nakuha noong 2016-07-15.
{{cite web}}
: Cite uses generic title (tulong)CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archived - RETScreen International Newsletter". Web.archive.org. 2015-12-22. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-01-12. Nakuha noong 2016-07-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Halimbawa, ang isang Google Scholar search para sa RETScreen noong 7 Pebrero 2018 ay nagpakita ng higit sa 5,500 resulta.
- ↑ "Archived - RETScreen International - Clean Energy Policy Toolkit". Web.archive.org. 2012-09-21. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-10-05. Nakuha noong 2016-07-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archived - RETScreen International - CER Chile Implements RETScreen Training Program". Web.archive.org. 2014-10-24. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-07-14. Nakuha noong 2016-07-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archived - RETScreen International - Saudi Arabia Builds Clean Energy Capacity". Web.archive.org. 2014-05-02. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-07-14. Nakuha noong 2016-07-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archived - RETScreen International - Strengthening the Foundations of Clean Energy in West Africa". Web.archive.org. 2014-05-02. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-07-14. Nakuha noong 2016-07-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Public Service Award of Excellence 2010" (PDF). Ottawacitizen.com. Nakuha noong 2016-07-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archived - RETScreen International - Awards". Web.archive.org. 2011-02-03. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-05-09. Nakuha noong 2016-07-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Assessment Methods for Small-hydro Projects" (PDF). Ieahydro.org. Nakuha noong 2016-10-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "RETScreen Clean Energy Project Analysis Software | Environmental software tools for accounting, carbon footprinting & sustainability performance". Environmenttools.co.uk. Nakuha noong 2016-07-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga talaugnayang panlabas
baguhin- RETScreen International
- RETScreen Expert - Benchmark Analysis (video)
- RETScreen Expert - Feasibility Analysis (video)
- RETScreen Expert - Performance Analysis (video)
- RETScreen Expert - Portfolio Analysis (video)
- RETScreen Clean Energy Bulletin
- "What is RETScreen?"
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Oktubre 2024) |