Rachel Carson
Si Rachel Louise Carson (27 Mayo 1907 – 14 Abril 1964) ay isang Amerikanang biyologong pandagat (marine biologist) at manunulat ng kalikasan na kadalasang pinupuri sa mga sulat na nagsimula ng pandaigdigang kilusang pangkalikasan. 15 mga taon na naghanapbuhay si Carson bilang isang biyologo, siyentipiko, at patnugot sa U.S. Bureau of Fisheries (Opisina ng Pangisdaan ng Estados Unidos) at pagkaraan ay sa Palingkurang Pang-isda at mga Hayop sa Kalikasan ng Estados Unidos. Ang mga aklat niya ay naging napakahalaga sa pagtulong sa paglaki ng kilusang pangkalikasan. Naging tanyag siya dahil sa pagsulat ng Silent Spring (Tahimik na Tagsibol). Isinulat din niya ang isang pangkat ng tatlong mga aklat na patungkol sa karagatan at kung anu-anong mga bagay ang mga nabubuhay sa loob nito at sa paligid nito.
Rachel Carson | |
---|---|
Kapanganakan | 27 Mayo 1907 Springdale, Pennsylvania |
Kamatayan | 14 Abril 1964 Silver Spring, Maryland | (edad 56)
Trabaho | biyologong pandagat, manunulat |
Nasyonalidad | Amerikano |
Panahon | 1937–1964 |
Kaurian | pagsusulat sa kalikasan |
Paksa | biyolohiyang pandagat, ekolohiya, pamatay insekto (pesticides) |
Nakuha ng Silent Spring ang pansin ng maraming mga Amerikano. Bago ito dumating, hindi gaanong karaming tao ang nag-aalala hinggil sa suliraning pangkalikasan at konserbasyon. Tiningnan ng aklat ang mga problema na may kaugnayan sa DDT at iba pang mga pamuksa ng peste (mga kemikal na pumapatay ng mga peste, katulad ng mga lamok at mga langaw). Dating iniisip na ang mga pamatay ng mga pesteng ito ay hindi delikado, subalit sa katunayan ang mga ito ay nagdurulot sa pagkamatay ng maraming mga ibon. Nananatili ang DDT sa loob ng mga kulisap at mga isda na kinain ng mga ibon. Pagkaraan ay nangingitlog ang mga ibon ng mga itlog na mayroon mga balat na maninipis at mabibiyak. Ang ilan sa mga ibon, katulad ng Agilang Kalbo, ay halos naglaho na mula sa Estados Unidos.[1] Sa kaniyang aklat, sinabi ni Carson na kapag hindi nagsagawa ang mga tao ng mga pagbabago hinggil sa paggamit ng mga pamuksa ng mga peste, maaaring wala nang matira pang mga ibon sa hinaharap. Sa halip na makarinig ng mga ibong umaawit sa panahon ng tagsibol, magiging tahimik lamang, at ito ang dahilan kung paano nakuha ng aklat ang pamagat nito.
Humantong ang aklat na ito sa isang pagbabago sa pambansang patakaran sa mga pamuksa ng peste at isang pagbabawal sa paggamit ng DDT at ilang iba pang mga pamatay ng peste.[2] Ang bago at katutubong kilusang makakalikasang ito, na pinukaw ng aklat ni Carson, ay humantong sa paglikha ng Environmental Protection Agency (Ahensiya sa Pangangalaga ng Kalikasan ng Estados Unidos). Pagkaraan ng kamatayan ni Carson, siya ay ginawaran ng Pampangulong Medalya ng Kalayaan ni Jimmy Carter. Mayroong isang Pambansang Kanlungan ng mga Hayop ng Kalikasan sa Maine na ipinangalan para kay Carson.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Eagle Recovery". U.S. Fish & Wildlife Service. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Mayo 2013. Nakuha noong 7 Mayo 2013.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Life and legacy of Rachel Carson". Linda Lear. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Mayo 2013. Nakuha noong 3 Mayo 2013.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Rachel Carson Biography". U.S. Fish & Wildlife Service. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Mayo 2013. Nakuha noong 4 Mayo 2013.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)