Rafael del Riego
Si Rafael del Riego y Flórez (9 Abril 1784 – 7 Nobyembre 1823) ay isang heneral at liberal na politikong Espanyol.
Ipinanganak si del Riego noong 9 Abril 1784 sa Santa Maria de Tuñas sa Asturias. Nang nakapagtapos siya sa University of Oviedo noong 1807, lumipat siya sa Madrid, kung saan sumapi siya sa hukbo. Noong 1808, sa panahon ng Spanish War of Independence, nahuli siya ng mga Pranses at ikunulong sa Escoria, kung saan siya nakatakas.
Noong Nobyembre 10, nagkaroon siya ng bahagi sa Battle of Espinosa de los Monteros, kung saan siya muling dinakip. Pagkaraan ng tatlong araw, pinapunta siya sa Pransiya at pinalaya sa huli. Nilakbay niya ang Inglatera at ang mga Estado ng Alemanya, at noong 1814, bumalik sa Espanya at sumapi muli sa hukbo na may ranggong lieutenant colonel.
Sa panahon ng anim na taon ng absolutism, sumapi siya sa freemasons at liberals sa pakikisabwat laban kay Haring Ferdinand VII. Noong 1819, bumuo ang hari ng 10 batalyon upang kalabanin ang South American resistance movements. Pinamunuan ni Riego ang batalyong Asturian. Gayun pa man, pagkarating sa Cadiz, kamasa ng ipa bang opisyal, sinumulan niya ang pag-aalsa noong 1 Enero 1820, at hiningi ang pagbabalik ng saligang-batas ng 1812. Tinatawag ang labanang ito na Spanish Civil War, 1820-1823. Nagmartsa ang tropa ni Riego sa mga lungsod ng Andalusia na naghahangad na makapagsimula ng pag-aalsa laban sa kaharian, ngunit ang karamihan sa mamamayan ay ipinagwalang bahala ito. Gayun pa man, nagsimula sa Galicia ang pag-aalsa, at mabilis na kumalat sa buong Espanya. Noong 7 Marso 1820, pinalibutan ng mga sundalo sa ilalim ni heneral Ballesteros ang royal place sa Madrid, at noong Marso 10, sumang-ayon ang hari na ibalik ang saligang-batas.
Itinaas ang ranggo ni Riego mula field marshall patungong captain-general ng Galicia ng bagong tatag na pamahalaang progressist. Noong 8 Enero 1821, siya ang namahala sa Aragon at lumipat sa Saragossa. Noong Hunyo 18 ng taong iyon, pinakasalan niya ang kanyang pinsan na si Maria Teresa del Riego y Bustillos. Noong 4 Setyembre 1891, dahil sa di nagtagumpay na republican revolt, siya ay maling inakusaghan ng republicanism at ipinakulong. Gayun pa man, ang kanyang kasikatan ay lumaki at nagkaroon ng demonstrasyon upang siya ay palayain. Noong Marso 1822, inihalal siya sa Cortes Generales, at pinalaya sa huli.
Noong Disyembre 1822, sa Congress of Verona, nagdesisyon ang mga bansa ng Holy Alliance na magiging banta sa katiyakan ng Europa ang republican na Espanya, at napili upang ibalik ang absolute monarchy sa Espanya ang Pransiya. Noong 7 Abril 1823, tinawid ng hukbong Pranses ang hangganan. Pinamahalaan ni Regio ang 3rd Army, ang nilabanan ang mga mananakop pati na rin ang mga grupong loyalista. Ngunit noong Setyembre 15, siya ay nilinlang, at ipinakulong sa isang nayon ng Anquillas (Jaen). Dinala siya sa Madrid. Kahit na ipinahayag na ang absolute amnesty, hinatulan pa rin siya ng royal court sa salang pagtataksil dahil isa siya sa miyembro ng parlamento na bumoto upang kunin ang kapangyarihan mula sa hari. Noong 7 Nobyembre 1823, binitay si Rafael del Riego sa la Cebada Square sa Madrid.
Ang Himno de riego, isang awiting isinulat sa dangal ni Riego, ay ang awit ng Second Spanish Republic (1931-1939). Ang kanyang larawan ay nakadisplay sa gusali ng Cortes Generales.