Si Ram Dayal Munda (Agosto 23, 1939 – Setyembre 30, 2011),[1] na kilala bilang RD Munda, ay isang Indiyanong iskolar, folklorista at nagpapasulong ng rehiyonal na musika. Ginawaran siya ng Padma Shri ng taong 2010 para sa kanyang ambag sa larangan ng sining.[kailangan ng sanggunian]

Siya ay isang ikalawang kansilyer ng Unibersidad ng Ranchi[kailangan ng sanggunian] at isang miyembro ng mataas na kapulungan ng Parlamento ng India.[kailangan ng sanggunian] Noong 2007, natanggap niya ang Gawad Sangeet Natak Akademi. Namatay siya sa Ranchi noong Setyembre 30, 2011.[kailangan ng sanggunian]

Talambuhay

baguhin

Si Ram Dayal Munda ay ipinanganak sa nayon ng tribong Diuri sa distrito ng Ranchi ng Bihar (Ngayon sa Jharkhand) India.[kailangan ng sanggunian] Nakuha ni Ram Dayal Munda ang kanyang pangunahing edukasyon sa Paaralang Luther Mission sa Amlesa. Nakuha niya ang kaniyang sekundaryang edukasyon sa subdibisyon na bayan ng Khunti.[kailangan ng sanggunian] Bilang sentro ng makasaysayang Kilusang Birsa para sa awtonomiya sa Imperyong Britaniko, ang lugar ng Khunti ay umakit ng mga iskolar mula sa buong mundo, partikular na mula sa disiplina ng antropolohiya. Si Munda, kasama ang kaniyang iba pang mga kaibigan, ay madalas na nagsisilbing gabay sa mga kilalang bisita na naging batayan para sa pag-unlad ng kaniyang karanasan sa mundo. Ang pagpili para sa antropolohiya bilang kanyang paksa para sa mas mataas na edukasyon na may pagtuon sa lingguwistika ay nagbukas ng isang ganap na bagong mundo.[kailangan ng sanggunian]

Edukasyon at karera

baguhin

Nagkaroon ng pagkakataon si Munda upang makakuha ng mas mataas na edukasyon sa lingguwistika sa isang interdisiplinaryong kalagayan, mula sa isang ambisyosong proyekto sa pananaliksik ng Unibersidad ng Chicago, sa pangkat ng Indic ng mga wikang Austroasyatiko sa ilalim ng patnubay ni Norman Zide. Natanggap ni Munda ang kanyang PhD mula sa Unibersidad ng Chicago[kailangan ng sanggunian] at pagkatapos ay hinirang sa faculdad ng Kagawaran of Araling Timog Asya. Nang maglaon, sa kahilingan ng Bise-Kasilyer noon, si Kumar Suresh Singh, nagsimula siya ng isang Kagawaran ng Mga Wikang Tribo at Rehiyonal. Ang kagawaran ay ang puntong tuntungan para sa lahat ng mga sosyo-politikong aktibista na nakikibahagi sa paghahanap ng mga paraan upang baguhin ang panloob na kolonyal na sitwasyon na kinakaharap ng mga tao ng Jharkhand. Maraming mga mag-aaral ang umalis mula sa departamento at bumuo ng isang katawan na "All Jharkhand Students Union" (AJSU) na nagtutulak para sa pagbuo ng isang intelektuwal na base para sa pagpapanatili ng Kilusang Jharkhand na nagpapatuloy na noong panahong iyon. Ito ay hindi direktang nag-ambag sa pagkakatalaga kay Munda bilang Ikalawang Kansilyer ng Pamantasang Ranchi noong 1985. Dahil dito, naging daan siya ng diyalogong pampolitika sa pagitan ng estado at ng kilusan ng mga tao. Samakatuwid, ang Committee on Jharkhand Matters ay nabuo upang simulan ang pagbuo ng bagong estado ng Jharkhand.[kailangan ng sanggunian]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "A life dedicated to preserving tribal culture". The Hindu.com. 3 Oktubre 2011. Nakuha noong 26 Pebrero 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)