Si Usermare Sekhepenre Ramesses V (na isinusulat ring Ramses at Rameses) ang ikaapat na paraon ng Ikadalawampung Dinastiya ng Ehipto at Reyna Duatentopet. Ang kanyang paghahari ay inilalarawan ng patuloy na paglago sa kapangyarihan ng mga saserdote o pari ng diyos na si Amun na labis na kumontrol sa lupain ng templo at mga pananalapi sa kapinsalaan ng paraon. Ang Turin 1887 na papyrus ay nagtatala ng isang eskandalong pananalapi sa kanyang paghahari na kinasasangkutan ng mga saserdote ng Elephantine. Ang kanyang paghahari ay napinsala rin ng isang panahon ng kawalang katatagang domestiko dahil ang Turin Papyrus 2044 ay nagsasaad na ang mga manggagawa ng Deir-el Medina ay peryodikong huminto sa paggawa sa libingan ni Ramesses V sa unang taon ng paghahari ng paraon dahil sa takot sa kalaban na pinagpapalagay na mga sumasalakay na Libyan na umabot sa bayan ng Per-Nebyt at sinunog ang mga tao nito.[1] Ang isa pang pagsalakay ng mga ito sa Thebes ay itinala pagkatapos ng ilang mga araw.[2]

Relief nina Horus at Amun sa libingan ni Ramesses V

Mga sanggunian

baguhin
  1. A.J. Peden, The Reign of Ramesses IV, (Aris & Phillips Ltd: 1994), p.21 Peden's source on these recorded disturbances is KRI, VI, 340-343
  2. Peden, p.21