Prambuwesas
(Idinirekta mula sa Raspberry)
Ang prambuwesas o raspberi (Ingles: raspberry, hindberry) ay isang nakakaing prutas ng maraming mga espesye ng halaman na nasa sari ng Rubus, na ang karamihan ay nasa kabahaging sari na Idaeobatus; ang pangalang ay ginagamit ding pantawag sa mga halamang ito. Ang mga prambuwesas ay perenyal (halamang pangmatagalan) at may mga tangkay na makahoy.

Espesye Baguhin
Kabilang sa mga halimbawa ng espesye ng prambuwesas na nasa espesyeng Rubus na nasa subespesyeng Idaeobatus ay ang mga sumusunod:
- Rubus crataegifolius (Koreanong prambuwesas)
- Rubus gunnianus (Tasmanianong alpinong prambuwesas)
- Rubus idaeus (Europeong pulang prambuwesas)
- Rubus leucodermis (Kanluraning prambuwesas o prambuwesas na may puting balakbak, bughaw na prambuwesas, itim na prambuwesas)
- Rubus occidentalis (Itim prambuwesas)
- Rubus parvifolius (Australyanong katutubong prambuwesas)
- Rubus phoenicolasius (Prambusas na pang-alak o wineberry sa Ingles)
- Rubus rosifolius (Prambuwesas ng Kanlurang India)
- Rubus strigosus (Amerikanong pulang prambuwesas) (singkahulugan: R. idaeus var. strigosus)
- Rubus ellipticus (Dilaw na Himalayanong prambuwesas)
Ilan sa mga espesye ng Rubus na tinatawag ding prambuwesas na nakauri sa ibang mga kabahaging sari ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Rubus arcticus (Arktikong prambuwesas, subsaring Cyclactis)
- Rubus deliciosus (Prambuwesas na pangmalaking bato, subsaring Anoplobatus)
- Rubus nivalis (Pangniyebeng prambuwesas, subsaring Chamaebatus)
- Rubus odoratus (Namumulaklak na prambuwesas, subsaring Anoplobatus)
- Rubus sieboldii (Prambuwesas ng Molukas, subsaring Malachobatus)
Mga sanggunian Baguhin
May kaugnay na midya tungkol sa Raspberries ang Wikimedia Commons.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Prutas at Halaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.