Razia Sultana
Si Raziya al-Din (r. 1236–1240), mas popular na kilala bilang Razia Sultana, ay isang pinuno ng Sultanato ng Delhi sa hilagang bahagi ng subkontinenteng Indiyano. Nakilala siya dahil sa pagiging unang babaeng Muslim na pinuno sa subkonetinenteng Indiyano.
Razia | |
---|---|
Sultan
| |
Baryang bilyong jital ni Razia | |
Panahon | 1236 − 20 Abril 1240 |
Sinundan | Ruknuddin Firuz |
Sumunod | Muizuddin Bahram |
Asawa | Ikhtiyaruddin Altunia |
Lalad | Dinastiyang Mamluk |
Ama | Iltutmish |
Ina | Turkan Khatun |
Kamatayan | 15 Oktubre 1240 Kaithal, Sultanato ng Delhi |
Libingan | Bulbuli Khana malapit sa tarangkahan ng Turkman, Delhi |
Pananampalataya | Sunismo |
Anak ng Sultan na Mamluk na si Shamsuddin Iltutmish, pinamahalaan ni Razia ang Delhi noong 1231–1232 nang naging abala ang kanyang ama sa kampanya sa Gwalior. Sang-ayon sa isang posibleng apokripikong alamat, napahanga sa kanyang pagganap bilang tagapamahala noong panahon na iyon, ninomina ni Iltutmish si Razia bilang kanyang maliwanag na tagapagmana pagkatapos bumalik sa Delhi. Ang sumunod kay Iltutmish ay ang kapatid na lalaki sa ama ni Razia na si Ruknuddin Firuz, na binalak ng kanyang ina na si Shah Turkan na patayin si Razia. Noong nagkaroon ng rebelyon laban kay Ruknuddin, inudyok ni Razia ang pangkalahatang publiko na labanan si Shah Turkan, at umakyat sa trono pagkatapos napatalsik si Ruknuddin noong 1236.
Hinamon ang pag-akyat ni Razia sa trono ng isang seksyon ng mga maharlika, na ilan sa mga ito ang sumama din sa kanya noong huli, habang natalo naman ang iba. Inasahan ng mga Turkong maharlika na sinuporta siya na siya ay magiging isang tau-tauhang pinuno, subalit iginiit niya ang kanyang kapangyarihan. Ito, kasama ang mga pinagsamang mga hinirang na hindi Turkong opisyal sa mga mahahalagang puwesto, ang nagdulot sa kanilang hinanakit laban sa kanya. Pinatalsik siya ng isang pangkat ng mga maharlika noong Abril 1240, pagkatapos mamuno ng mas mababa sa 4 na taon. Pinakasalan niya ang isa sa mga rebelde – si Ikhtiyaruddin Altunia – at sinubok na kunin uli ang trono, pero natalo siya ng kanyang kapataid na lalaki sa ama na si Muizuddin Bahram noong Oktubre ng taon na iyon, at dagliang pinatay pagkatapos noon.
Mga pangalan at titulo
baguhinAng transliterasyon ng pangalan ni Razia ay Raḍiyya[1] o Raziyya.[2] Ginamit ang katawagang "Sultana" ng ilang mga makabagong mga manunulat na isang maling tawag dahil nangangahulugan ito bilang "ang asawa ng hari" sa halip na "babaeng pinuno." Tinatawag si Razia ng kanyang sariling barya bilang Sultan Jalalat al-Duniya wal-Din o bilang al-Sultan al-Muazzam Raziyat al-Din bint al-Sultan. Tinatawag siya sa inskripsyon ng Sultanato sa wikang Sanskrit bilang Jallaladina, habang tinatawag siya ng halos kontemporarayong mananalaysay na si Minhaj bilang Sultan Raziyat al-Duniya wa'l Din bint al-Sultan.[3]
Maagang buhay
baguhinIpinanganak si Razia sa ama niyang Sultan ng Delhi na si Shamsuddin Iltutmish, isang Turkong alipin (mamluk) ng kanyang hinalinhan na si Qutb al-Din Aibak at sa ina niyang si Turkan Khatun na anak ni Qutb al-Din Aibak,[2][4] at punong asawa ni Iltutmish.[1] Si Razia ang panganay na babae ni Iltutmish, at marahil ang pinakapanganay sa lahat.[1]
Libingan
baguhinMatatagpuan ang libingan ni Razia sa Mohalla Bulbuli Khana malapit sa Tarangkahan ng Turkman sa Lumang Delhi.[5] Binanggit ng manlalakbay noong ika-14 na dantaon na si Ibn Batuta na naging isang sentro ng pamamakay ang libingan ni Razia:[1] isang simboryo ang ginawa sa ibabaw nito, at humingi ng biyaya ang mga tao dito.[2]
Sa ngayon, labis na napabayaan ang lugar: nagsasagawa ang Suriang Arkeolohiko ng Indya ng taunang pagpapanatili dito, ngunit hindi nila ito mapaganda pa dahil napapaligiran ito ng ilegal na konstruksyon, at mararating lamang sa pamamagitan ng makitid at masikip na daanan. Noong huling bahagi ng ika-20 dantaon, nagtayo ang lokal na mga residente ng isang mosque na malapit dito.[5]
Sinasabi na ang isang wasak na gusali sa Kaithal ang orihinal na lugar ng libingan ni Razia.[6]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 Peter Jackson 2003, p. 46.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 Guida M. Jackson 1999, p. 341.
- ↑ K. A. Nizami 1992, p. 237.
- ↑ Sudha Sharma 2016, p. 141 quote:"But as per Abu-Umar-i-Usman Minhaj-ud-din Siraj (Tabaqat-iNasiri), Turkan Khatun was the name of Razia's mother and not of this lady [Shah Turkan]."
- ↑ 5.0 5.1 Syed Abdullah Zaini (9 Agosto 2013). "A forgotten tomb".
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tomb of Razia Sultan". Haryana Tourism. Nakuha noong 10 Enero 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)