René-Robert Cavelier, Sieur de La Salle

Si René-Robert Cavelier, Sieur de La Salle o Robert de La Salle (22 Nobyembre 1643 – 19 Marso 1687) ay isang eksplorador na Pranses at pinakakilalang mangangalakal ng mga mabalahibong telang mula sa balat ng mga hayop sa kasaysayan ng Hilagang Amerika. Tinuklas niya ang rehiyon ng Great Lakes ng Estados Unidos at Canada, Ilog Mississippi, at Golpo ng Mehiko. Siya ang unang puting tao na maglayag sa Ilog Mississipi patungo sa pinakabibig ng ilog na ito na nasa Golpo ng Mehiko.[1] Inangkin niya ang kabuoan ng katubigang ito para sa Pransiya.

Isang inukit na larawan ni René-Robert Cavelier de La Salle noong ika-19 dantaon.

Isinilang siya sa Rouen, Pransiya noong 1643. Tumanggap siya ng edukasyon bilang isang misyonaryong Heswita ngunit nilisan niya ang buhay ng pananampalataya upang pumunta sa Canada noong mga taon ng 1666 o 1667. Sinadya ang pagpatay sa kaniya nang magkaroon ng pagaalsa ang ilan sa kaniyang mga sariling tauhan noong 1687.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "René-Robert Cavelier, Sieur de La Salle". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.