Kuwaho

(Idinirekta mula sa Rennet)

Ang kuwaho ay masalimuot na kalipunan ng ensimang nabubuo sa mga sikmura ng mga ruminanteng mamalya. Ang chymosin, ang pangunahing sangkap nito, ay isang protease enzyme na nagkukurta sa casein sa gatas. Bukod sa chymosin, may iba pang ensima sa kuwaho, tulad ng pepsin at isang lipase.

Kuwaho mula sa hayop na gagamitin sa pagmamanupaktura ng kesong cheddar

Kinaugaliang gamitin ang kuwaho sa paghihiwalay ng gatas sa solidong kurta at likidong lagnaw, na ginagamit sa produksyon ng mga keso. Mas bihira na ang paggamit ng kuwaho mula sa bulo para rito, hanggang sa punto na mas mababa sa 5% ng keso sa Estados Unidos ay gawa sa kuwaho mula sa hayop ngayon.[1] Karamihan sa keso ay ginagawa na ngayon gamit ang chymosin mula sa mga bakterya.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Yacoubou, Jeanne. "An Update on Rennet" [Isang Update sa Kuwaho]. The Vegetarian Resource Group (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-12-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)