Repormang pansakahan
Ang repormang pansakahan o repormang agraryo ay maaring tumukoy sa mahigpit na kahulugan bilang ang muling pamamahagi ng mga lupang sakahan na sinisimulan o sinusuportahan ng pamahalaan. Sa mas malawak na kahulugan, maaring tumukoy din ito sa pangkalahatang bagong patutunguhan ng sistemang agraryo ng isang bansa, na kadalasang kinabibilangan ng mga hakbang ng reporma sa lupa. Ang repormang pansakahan ay maaring magkaroon ng iba't ibang hakbang katulad ng pautang, pagsasanay, pagpapahaba, pagsama-sama ng lupa, at iba pa. Sinusuri ng World Bank sa limang dimensyon ang repormang pansakahan: (1) liberalisasyon ng mga nakalaan (stock) at merkado, (2) reporma sa lupa (kabilang ang pagsulong ng mga merkado ng lupa), (3) pag-proseso ng sakahan at mga pag-agos ng papasok na panustos, (4) pananalapi sa pook na urbano, (5) mga merkadong institusiyon.[1]
Sang-ayon kay Ben Cousins may pagkakaiba ang repormang pansakahan sa reporma sa lupa. Ayon sa kanya ang reporma sa lupa ay may kinalaman sa mga karapatan sa mga lupain, at ang kanilang katangian, kalakasan at pamamahagi habang ang repormang pansakahan ay hindi lamang nakatuon sa mga ito subalit sa iba pang mas malawak na mga paksa tulad ng ugnayan ng produksiyon at pamamahagi sa pagsasaka at mga kaugnay na mga pangangalakal, at paano magkaugnay sa mas malakawak ng kaurian; at ang repormang pansakahan ay may kinalaman sa kapangyarihang ekonomiya at politika at mga ugnayan sa pagitan nila.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Csaba Csaki and John Nash, The Agrarian Economies of Central and Eastern Europe and the Commonwealth of Independent States, World Bank Discussion Paper 387, Washington, DC, 1998. (Sa Ingles)
- ↑ Ben Cousins, Agrarian reform and the 'two economies': transforming South Africa's countryside, balangkas sa Kabanata 9 sa Ruth Hall at Lungisile Ntsebeza, eds., The Land Question in South Africa: The Challenge of Transformation and Redistribution, HSRC Press, Cape Town, South Africa (2007). (Sa Ingles)