Reproduksiyong aseksuwal
Ang reproduksiyong aseksuwal o aseksuwal na pagpaparami ay isang uri ng reproduksiyon na hindi kinakailangan ng dalawang selulang kasarian para sa proseso ng pagpaparami. Kabaligtaran ito ng reproduksiyong seksuwal. Ang aseksuwal na reproduksiyon ang paraan ng reproduksiyon o pagpaparami kung saan ang supling ay nagmumula sa isang magulang at namamana ang mga gene ng isang magulang na ito. Ito ay ang reproduksiyon na halos palaging hindi kinasasangkutan ng meiosis, ploidy reduction o pertilisasyon. Ang supling mula sa reproduksiyong aseksuwal ay eksaktong kopya ng magulang nito maliban sa spesispikong kaso ng automixis. Ang mas mahigpit na depinisyon ng reproduksiyong aseksuwal ang agamogenesis na reproduksiyong walang pagsasanib ng mga gamete o hindi kinasasangkutan ng gamete ng lalake. Ang mga halimbawa nito ang partenohenesis at apomixis. Ang reproduksiyong aseksuwal ang pangunahing anyo ng reproduksiyon ng may isang selulang mga organismo gaya ng bakterya, archaea at mga protista. Maraming mga halaman at fungi ang nagpaparami rin ng aseksuwal. Sa partenohenesis, ang mga babaeng organismo ay makakapagrami ng parehong seksuwal at aseksuwal. Kapag ang isang organismo ay nahihirapang makahanap ng makakatalik upang magparami, ang mga ito ay nagpaparami ng aseksuwal gaya ng mga pating na zebra.
Tingnan din
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.