Pasubali

(Idinirekta mula sa Reserba)

Ang pasubali, o subali lamang, (Ingles: reservation, withhold, withholding, ayon sa diwang "nakabimbin", "ipinagkait", "ayaw ibigay", "ayaw magbigay", "pinipigil", "napipigilan") ay isang salitang ang kahulugan ay nagmula sa dalawang bahagi ng salitang ito. Una, ang "pasu" na siyang pasiya o naisipang gawain at ang "bali" na siyang paghadlang sa pagpapatuloy ng gagawin o iisipin dahil may mahalagang dahilan na bago pa lamang nalaman o naunawaan. Ang salitang ito ay ginagamit kapag may higit na matimbang na bahagi ang katuwiran ng kabilang aspeto ng pang-unawa o kaisipan katulad ng pagtakbo sa politika na may kadikit o kasabay na kaibigan o kamag-anak na sa halip na ituloy ay ginamit ang pasubali o pasiyang binali para ingatan ang magandang samahan ng magkaibigan o kadikit sa buhay sa isang lipunan.

Tingnan din

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.