Reserbang pangkalikasan ng Gamla

Ang reserbang pangkalikasan ng Gamla ay isang reserbang pangkalikasan at natuklasang lugar na matatagpuan sa gitna ng Tugatog ng Golan, mga 20 km sa timog ng paninirahang Israeli ng Katzrin.

Mga bulubunduking lupain malapit sa Gamla
Tanawin mula sa himpapawid

Bumabagtas ang reserbang pangkalikasan sa dalawang batis, Gamla at ang Daliot, at may kasamang natural at arkeolohikal na pang-akit.[1] Kabilang sa una ang pinakamalaking pinamumugaran ng mga gyps fulvus sa Israel, mga iba't ibang iba pang limbas, kabilang sa mga iba't ibang hayop at halamang ligaw.[1] Kabilang sa huli ang sinaunang lungsod ng Gamla at isang lupain ng dolmen mula sa Panahon ng Tansong Pula na may 716 dolmen.[1] Sa ulo ng batis ng Gamla mayroong isang 51-metro na talon, ang pinakamataas sa Israel at ang mga nasakop na teritoryo ng Israel,[1] na natutuyo sa tag-init at taglagas.[2][1]

Naglalaman din ang reserba ng mga maraming iba pang pook, tulad ng isang bantayog pang-alaala at ang mga nagibang lugar ng isang baryo noong panahong Bisantino. Nakaalay ang bantayog sa mga Hudyong nakipamayan ng Tugatog ng Golan na pinatay sa mga giyerang Israeli at bilang resulta ng mga pag-atakeng terorismo;[1] ang mga natitira ng Kristiyanong nayon mula sa ika-4–ika-7 siglo PK, na kilala sa Arabeng pangalan Deir Qaching, na may kasamang monasteryong napapanatili na nakasentro sa paligid ng isang simbahan[1] na may isang parisukat na apsis - isang tampok na makikita noong sinaunang Syria at Hordan, ngunit hindi makikita sa mga simbahan sa kanluran ng Ilog Hordan.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 Gamla Nature Reserve at the Israel Nature and Parks Authority site. Accessed July 12, 2018.
  2. Aviva Bar-Am, "Going for Gold in Gamla", Jerusalem Post, January 31, 2010. Accessed July 12, 21018.
  3. Jerome Murphy-O'Connor (2008). The Holy Land: An Oxford Archaeological Guide from Earliest Times to 1700. Oxford Archaeological Guides. Oxford: Oxford University Press. pp. 289–290. ISBN 978-0-19-923666-4. Nakuha noong 12 Hulyo 2018.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin