Ginintuang patakaran

(Idinirekta mula sa Resiprosidad)

Ang Ginintuang Patakaran (Ingles: Golden Rule, Ethic of Reciprocity, o Norm of Reciprocity) ay ang pamantayan ng gantihan ng kabutihan o palitan ng gawaing mabuti, na nagsasaad ng ganito o katulad nito: "Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo."[1] Tinatawag din itong Pamantayan ng Resiprosidad o Etiko ng Resiprosidad, isang kasunduan ng pagtutulungan.[1] Sa Ingles, ganito ang kaanyuan ng pangungusap na ito: Do unto others as you would have them do unto you.[2] Sa pagnenegosyo o iba pang pagkakataon, madudugtungan ito ng mga negosyante ng ganitong pangungusap: Ginagamit ang Ginintuang Patakaran, sa lahat ng panahon (o oras), sa lahat ng mga bagay, sa lahat ng mga pook.[3] Na maiaangat pa sa ganitong kataga: Palaging sinusubukang itrato ang mga tao na mas mainam ng bahagya kaysa kung paano nila ako tinatrato.[4] Sa Bagong Tipan ng Bibliya, matatagpuan ito sa Ebanghelyo ni Mateo (Mateo 7:12): Kaya nga gawin ninyo sa iba ang ibig ninyo na gawin nila sa inyo.[5] Katumbas ng Ingles na: Do to others as you would have them do to you.[2] Sa isang bersiyong ginagamit ng pormal na matandang Ingles, ganito ang pagkakabanggit nito mula sa Mateo 7:12 ng The Holy Bible, Authorized King James Version, sa Ebanghelyo ayon kay San Mateo: "Therefore all things whatsoever ye would that men should do to you, do ye even so to them: for this is the law and the prophets."[6]

Sa larangan ng musika sa Pilipinas, matutunghayan ang diwa ng Ginintuang Patakaran sa mga panitik o liriko ng awiting Lupa ng grupong Asin. Ganito ang sinasaad sa taludturan ng refrain o parteng inuulit ng kantang ito:

Kung ano ang 'di mo gusto
Huwag gawin sa iba
Kung ano ang iyong inutang
Ay s'ya ring kabayaran[7]

Ang mga pahayag na katulad ng patakarang Ginintuan ay makikita sa sinaunang Ehipto sa kuwento ng Ang Maliwanag na Magsasaka.[8] Tinalakay ni Rushworth Kidder ang mga sinaunang kontribusyon ni Confucius (551–479 BCE). Ayon kay Kidder, ang balangkas ng konseptong ito ay kilalang lumilitaw sa karamihan ng mga relihiyon kabilang ang Hinduismo, Budismo, Taoismo, Zoroastrianismo at iba pang mga pangunahing relhiyon.[9][10][11]

Sinaunang Babilonia

baguhin

Ang sinanunang inkarnasyon ng Patakarang Gininturan na matataguan sa Kodigo ni Hammurabi (1780 BCE) na mas naunang isinulat sa Bibliya,[12] ay nakikitungo sa resiprosidad na etikal sa mga paraan gaya ng paglilimita lamang sa paghihiganti na pantay at makatwiran.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Golden Rule, ginintuang patakaran, kasunduan ng pakikipagtulungan o pagpapalitan ng kabutihan - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 The Christophers (2004). "Living the Golden Rule". Three Minutes a Day, Tomo 39. The Christophers, Lungsod ng Bagong York, ISBN 0939055384.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina para sa Agosto 31.
  3. Salin mula sa Ingles na: The Golden Rule applies, at all times, in all things, in all places.
  4. Salin mula sa Ingles na: I always try to treat people just a little bit better than they treat me.
  5. Abriol, Jose C. (2000). "Mateo 7:12". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1440.
  6. St. Matthew 7:12, The Holy Bible, Authorized King James Version, pahina 9 ng The Gospel According to St. Matthew, The New Testament of our Lord and Saviour Jesus Christ, Translated out of the original Greek and with the former translations diligently compared and revised by his Majesty's special command, New York Bible Society International, Bagong York/Gran Britanya, mula pa noong 1809.
  7. Lupa Naka-arkibo 2009-04-13 sa Wayback Machine. ng Asin, Lupa lyrics, AllTheLyrics.com
  8. "The Culture of Ancient Egypt", John Albert Wilson, p. 121, University of Chicago Press, 1956, ISBN 0-226-90152-1
  9. W.A. Spooner, "The Golden Rule," in James Hastings, ed. Encyclopedia of Religion and Ethics, Vol. 6 (New York: Charles Scribner's Sons, 1914) pp. 310–12, quoted in Rushworth M. Kidder, How Good People Make Tough Choices: Resolving the Dilemmas of Ethical Living, Harper, New York, 2003. ISBN 0-688-17590-2. p. 159. Simon Blackburn also notes the connection between Confucious and the Golden Rule. Simon, Blackburn (2001). Ethics: A Very Short Introduction. Oxford: Oxford University Press. p. 101. ISBN 978-0-19-280442-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Esptein, Greg M. (2010). Good Without God: What a Billion Nonreligious People Do Believe. New York: HarperCollins. p. 115. ISBN 978-0-06-167011-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Simon, Blackburn (2001). Ethics: A Very Short Introduction. Oxford: Oxford University Press. p. 101. ISBN 978-0-19-280442-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Quote from Kenneth Bond: "...Code of Hammurabi (1780 BC). I used a translation by L.W. King with Commentary by Charles F. Horne (1915). My version was a 1996 electronically enhanced version of the 1910 Encyclopædia Britannica." (end quote).Kenneth Bond (1998). "Religious Beliefs as a Basis for Ethical Decision Making in the Workplace". Humboldt State University. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-07-03. Nakuha noong 10 Hulyo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)