Paghihiganti
(Idinirekta mula sa Retribution)
Ang paghihiganti ay isang nakasasalanta o nakakapinsalang kilos laban sa isang tao o pangkat bilang pagtugon sa isang daing o karaingan, reklamo, pagdaramdam, o sama ng loob, totoo man ito o iniisip lamang. Maaari itong ilarawan bilang isang anyo ng katarungan, isang galaw na altruwistiko na nagpapatupad ng katarungang panlipunan o pangmoralidad bukod pa sa sistemang pambatas. Inilarawan ito ni Francis Bacon bilang isang uri ng "marahas na katarungan" (wild justice sa Ingles).[1] Sa mitolohiyang Griyego, ang kumakatawan sa "banal na paghihiganti" ay si Nemesis.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "ON REVENGE" ni Sir Francis Bacon
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.