Ribosoma

(Idinirekta mula sa Ribosome)

Ang ribosoma(Ingles: ribosome) ay isang bahagi ng isang selula na bumubuo ng dalawampung mga spesipikong mga molekulang asidong amino upang bumuo ng partikular na protinang molekula na tinutukoy ng sekwensiyang nucleotide ng molekulang RNA. Ang isa sa sentral na katuruan ng biolohiya na karaniwang tinutukoy na sentral ng dogma ng molekular na biolhiya ay ang DNA ay ginagamit upang lumikha ng RNA na ginagamit naman upang lumikha ng mga protina. Ang sekwensiya ng DNA ay kinokopya sa tagahatid na RNA(mRNA). Pagkatapos nito ay binabasa ng mga ribosoma ang impormasyon sa mRNA na ito at ginagamit upang lumikha ng mga protina. Ang prosesong ito ay tinatawag na pagsasalin(translation). Ang ribosoma ay nagsasalin ng henetikong impormasyon mula sa RNA sa mga protina. Isinasagawa ito ng mga ribosoma sa pamamagitan ng pagbibigkis nito sa mRNA at gingamit ito bilang suleras(template) sa pagtukoy ng tamang sekwensiya ng mga asidong amino sa isang partikular na protina. Ang mga asidong amino ay ikinakabit sa mga molekulang tagalipat na RNA(tRNA) na pumapasok sa isang bahagi ng ribosoma at bumibigkis sa sekwensiyang mensaherong RNA. Ang ikinabit na mga asidong amino ay pinagdudugtong naman ng isang bahagi ng ribosoma. Ang mga ribosoma ay gumagalaw sa kahabaan ng mRNA, binabasa ang mga sekwensiya nito at lumilikha ng tumutugong kadena ng mga asidong amino.

Binabasa ng mga ribosoma ang sekwensiya ng mensaherong RNA at bumubuo ng mga protina mula sa mga asidong amino na nakabigkis sa naglilipat na RNA.