Rinni Wulandari
Si Rini Wulandari (ipinanganak noong 28 Abril 1990) o sikat sa kanyang pangalan sa entablado, si Rinni Wulandari, ay isang mang-aawit na RnB sa Indonesiya. Noong ika-28 Hulyo 2007, nanalo siya sa ika-apat na panahon ng palabas ng telebisyon sa paligsahan sa pag-aawit na Indonesian Idol (isang prangkisang Indones ng American Idol) na ginawa siyang pangalawang babaeng nagwagi. Sa gulangna 17, siya ang unang pinakabatang nagwagi sa kasaysayan ng Indonesian Idol.
Talambuhay
baguhinSa kaniyang kabataan
baguhinSi Rini Wulandari ay ipinanganak sa puntod ng kanilang magulang na sina R.Soetrisno at Sri Hartati Mardiningish. Siya ang bunso sa apat na magkakapatid, at ay nagmula sa isang angkan ng mga tagagawa ng awitin. Ang kanyang ina ay dating punong mang-aawit ng bandang Quintana at ang kanyang ama ay isang tagapatunog ng bass noong bata pa siya. Si Rini ang naging punong mang-aawit ng Quintana na sumunod sa yapak ng kanyang ina. Nagtapos si Rini sa SMA Negeri 1 Medan noong taong 2008.
Indonesian Idol
baguhinSumali si Rini para sa Indonesian Idol sa kaniyang bayan sa Medan sa ikalawang araw ng paligsahan. Noong ika-5 Mayo 2007, nakapasok si Rini sa paligsahang mayroong labindalawang pinakamagaling sa Indonesian Idol o kilala rin na mga round ng Spectacular. Sa unang round ng "spectacular", inawit niya ang "50 Tahun Lagi" (Tagalog: Limampung Taon Pa) na inawit ni Warna. Sa linggo ng paligsahang Percussion Night, umawit si Rini ng isang rendisyion ng "Conga" ni Gloria Estefan na nakakuha sa kanya ng posisyong ikalima. Ang iba pang mga awiting inawit ni Rini sa Indonesian Idol ay ang "Reflection" ni Christina Aguilera, "Emotions" ni Mariah Carey, at "Because You Loved Me" ni Celine Dion. Nakapasok si Rini sa pinal at nanalo ng titulo laban kay Wilson na mayroong 51.2% boto ng madla.[1]
Graduate
baguhinNoong 2012, isa siya sa mga maliliit na talaan ng mga artistang Indones na mayroong mga digring bachelor na nagtapos sa Pamantasan ng Paramadina sa Jakarta na nagtapos sa komunikasyon. "Napakalma ako. Higit kong inaalayan ngayon sa aking karera sa pag-aawit."
Diskograpiya
baguhinMga album
baguhin- 2007: Indonesian Idol: Obra maestra (kompilasyon)
- 2007: Aku Tetap Milikmu
- 2010: Idola Terdahsyat (kompilasyon)
- 2015: Independent Part 1
- 2017: Independent Part 2
- 2021: SKINS
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Rini Raih Gelar "The New Indonesian Idol"[patay na link]. ANTARA News. Retrieved 19 September 2007.