Rino Bermudez
Si Rino Bermudez ay isang artistang Pilipino na bago napako sa kompanyang LVN Pictures ay gumawa muna siya ng ilang pelikula sa ilalim ng Premiere Productions bilang aktor. Ilan dito ang Itanong mo sa Bulaklak ni Rosa del Rosario, Bakit ako Luluha? ni Anita Linda, Hindi Ako Susuko ni Efren Reyes at Hamak na Dakila ni Jose Padilla Jr.
Agad pumirma ng kontrata sa LVN Pictures at idinirihe agad ang pelikula ni Lilia Dizon at Mario Montenegro ang Dugo sa Dugo. Nasundan iyon ng Amor-mio ni Delia Razon, Sa Paanan ng Nazareno ni Jaime dela Rosa, Mga Pusong May Lason ni Delia Razon, Donato ni Lorna MIrasol at marami pang iba.
Pelikula
baguhin- 1948 - Hamak na Dakila
- 1948 - Itanong mo sa Bulaklak
- 1949 - Bakit Ako Luluha?
- 1949 - Kayumanggi
- 1949 - Suwail
- 1949 - Hindi ako Susuko
- 1951 - Dugo sa Dugo
- 1951 - Amor mio
- 1952 - Sa Paanan ng Nazareno
- 1953 - Mga Pusong May Lason
- 1954 - Dakilang Pagpapakasakit
- 1954 - Donato
- 1954 - Ikaw ang Dahilan
- 1955 - Hagad
- 1955 - Dinayang Pagmamahal
- 1956 - Laging Ikaw
- 1957 - Pintor Kulapol
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.