Robert Kennicutt
Si Robert Charles Kennicutt, Jr. FRS ay isang Amerikanong astronomo. Siya ang Plumian Professor of Astronomy sa Institute ng Astronomy sa University of Cambridge. Siya ay dating Editor-in-Chief ng Astrophysical Journal (1999-2006). Ang kanyang mga interes sa pananaliksik ang estruktura at ebolusyon ng galaxy at pagbuo ng bituin sa mga galaxy.[2]
Robert C. Kennicutt, Jr | |
---|---|
Kapanganakan | [1] | 4 Setyembre 1951
Nasyonalidad | United States |
Nagtapos | Rensselaer Polytechnic Institute University of Washington |
Parangal | Dannie Heineman Prize for Astrophysics (2007) Gruber Prize in Cosmology (2009) |
Karera sa agham | |
Larangan | Astronomy |
Institusyon | Institute of Astronomy, Cambridge |
Natanggap niya ang kanyang bachelor's degree sa pisika mula sa Rensselaer Polytechnic Institute noong 1973. Siya ay naging graduate student sa astronomiya sa University of Washington, dito natanggap niya ang kanyang master's degree noong 1976 at ang kanyang Ph.D. noong 1978. Iginawad sa kanya ang Dannie Heineman Prize for Astrophysics noong 2007 sa ng American Astronomical Society. Kasama niyang nagwagi ng 2009 Gruber Prize in Cosmology sina Wendy Freedman ng Carnegie Institution of Washington at Jeremy Mould ng University of Melbourne School of Physics, para sa kanilang pamumuno sa tiyak na pagsukat ng halaga ng konstante ng proporsiyonalidad sa Batas ni Hubble. Siya ay naging fellow ng American Academy of Arts and Sciences noong 2001 at itinalagang isang Fellow of the Royal Society noong 2011.
Binuo ni Kennicutt ang isang bersyon ng batas Kennicutt–Schmidt, ang empirikong ugnayan ng gas density sa star formation rate (SFR) sa isang rehiyon.
Pananaliksik
baguhinSpitzer Infrared Nearby Galaxies Survey
baguhinSi Kennicutt ang punong-imbestigador para sa Spitzer Infrared Nearby Galaxies Survey (SINGS), isang legacy project na gumagawa ng isang multiwavelength survey sa 75 kalapit na galaxy gamit ng Spitzer Space Telescope.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Robert Charles KENNICUTT". Debretts. Nakuha noong 25 Enero 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Homepage of Robert Kennicutt". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-01-31. Nakuha noong 2017-09-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ R. C. Kennicutt, Jr.; L. Armus; G. Bendo; D. Calzetti; D. A. Dale; B. T. Draine; C. W. Engelbracht; K. D. Gordon; A. D. Grauer (2003). "SINGS: The SIRTF Nearby Galaxies Survey". Publications of the Astronomical Society of the Pacific. 115 (810): 928–952. arXiv:astro-ph/0305437. Bibcode:2003PASP..115..928K. doi:10.1086/376941.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)