Robert M. La Follette
Si Robert Marion "Fighting Bob" La Follette, Sr. (14 Hunyo 1855 – 18 Hunyo 1925) ay isang Amerikanong Republikano na naglingkod bilang Senador ng Wisconsin mula 2 Enero 1906 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 18 Hunyo 1925. Tumakbo siya sa pagkapangulo ng Estados Unidos noong 1924, ngunit natalo. Kung nanalo si La Follette, siya ang magiging ika-7 pangulo na namatay habang nanunungkulan. Itinuturing siya bilang isa sa mga pinakadakilang Senador sa Kasaysayan ng Estados Unidos.
Talambuhay
baguhinIpinanganak si La Follette sa Primrose, Wisconsin noong 1855. Mayroon siyang mga ninunong Ingles, Eskoses, at Pranses. Nag-aral siya sa Unibersidad ng Wisconsin-Madison. Kasal si La Follette kay Belle Case Le Follette mula 1881 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1925. Nagkaroon sila ng apat na mga anak. Namatay si La Follette habang nasa Washington, D.C. dahil sa sakit sa puso, sa edad na 70.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "La Follette Dies In Capital Home. Lauded By His Foes. Final Attack of Heart Disease in Early Morning Is Fatal to Insurgent Leader". New York Times. 19 Hunyo 1925. Nakuha noong 2012-10-11.
Senator Robert Marion La Follette, leader of the Republican Progressives and an independent candidate for the Presidency last year, died in his home here at 1:21 P.M. today from heart disease, which had been complicated by attacks of bronchial asthma and pneumonia. ...
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)