Robert Smalls

Amerikanong politiko

Si Robert Smalls (Abril 5, 1839 - Pebrero 23, 1915) ay isang aliping naging isang pambansang bayani nang mapalaya niya ang sarili at ang kanyang mag-anak mula sa pagkaalipin noong Mayo 13, 1862 sa pamamagitan ng sapilitang kuhanin patungong kalayaan ang isang barkong Konpederado, ang The Planter (o "Ang Manananim"), sa daungang Charleston. Isa siyang opisyal ng hukbong pandagat. Isinilang siya sa Beaufort, Timog Karolina, at naging isang politikong naglingkod sa Estado ng Timog Karolina at Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos. Sa loob ng panahon ng kanyang karera sa politika, inakdaan ni Smalls ang lehislasyong lumikha sa unang sistema ng paaralang pangmadla sa Amerika na nasa Timog Karolina, itinatag niya ang Partidong Republikano ng Timog Karolina, at matagumpay na nahimok si Pangulong Lincoln na tumanggap ng mga kawal na Aprikanong Amerikano sa hukbo ng Unyon - isang gawain na sinasabi ng ilan na nakaragdag ng karagdagang mga tauhang nakatulong sa pagwawagi ng Unyon noong Digmaang Sibil sa Estados Unidos.

Si Robert Smalls.

Sanggunian

baguhin

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Politiko, Kasaysayan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.