Robin Hood
Si Robin Hood (binabaybay na Robyn Hode sa mas matatandang mga manuskrito), literal na "Robin Talukbong" o "Robin Pandong", ay isang mabayaning tulisan sa kuwentong-bayan ng Inglatera, isang napaka may kasanayang mamamana at eskrimador (mang-eespada). Bagaman hindi kabahagi ng orihinal niyang katangian, magmula noong sumila ng ika-19 na daantaon[1] naging nakikilala siya sa pagnanakaw mula sa mayayaman at nagbibigay sa mga mahihirap,[2] na tinutulungan ng isang pangkat ng mga kapwa tulisan na nakikilala bilang kaniyang "Merry Men" (literal na "Maliligayang mga Tauhan").[3] Sa nakaugalian, si Robin Hood at ang kaniyang mga tauhan ay inilalarawan na nakasuot ng mga kasuotang ang kulay ay lunting Lincoln.[4] Ang pinagmulan ng alamat ay inaangkin ng ilan na nagbuhat sa tunay na mga tulisan, o mula sa mga balada o mga kuwento hinggil sa mga tulisan.[5]
Si Robin Hood ay naging isang tanyag na tao o pigurang pambayan noong Gitnang Kapanahunan na nagpatuloy hanggang sa modernong panitikan, mga pelikula at telebisyon. Sa pinaka maagang mga napagkunan, si Robin Hood ay isang yeoman, subalit lumaong mas madalas siyang inilalarawan bilang isang aristokrata na may pagkakamaling binawian ng kaniyang mga lupain at naging isang tulisan ng isang walang kunsensiyang sheriff (agusil).[6]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ J. C. Holt, Robin Hood, Thames at Hudson, 1989, pp. 184–185.
- ↑ "Robin Hood: Development of a Popular Hero Naka-arkibo 2008-12-07 sa Wayback Machine.." Mula sa The Robin Hood Project na nasa Pamantasan ng Rochester. Nakuha noong 22 Nobyembre 2008.
- ↑ Ang "merry-man" ay tumutukoy sa tagasunod ng isang tulisan magmula noong hindi bababa sa ika-14 na daantaon. Tingnan ang Online Etymology Dictionary
- ↑ The Child Ballads 117 "A Gest of Robyn Hode" (c 1450) "When they were clothed in Lincoln Green"
- ↑ Holt, p. 62.
- ↑ Knight, Robin Hood: a mythic biography pp. 142–143