Rod Navarro
Si Rod Navarro ay isang artista at dating kandidato sa Pilipinas. Si Joseph Rigets, o mas kilala sa pangalang Rod Navarro ay isinilang noong ika-10 ng Marso, 1930. Siya ay isa sa mga supling nina Mr. and Mrs. Joseph Rigets . Si Navarro ay anak ng isang Polish.
Edukasyon
baguhinSi Navarro ay nagtapos ng Criminal Investigation sa Philippine Constabulary School sa Camp Crame sa Quezon city. Nagtapos din siya sa Military Inteligence School Headquarters ng Philippine Army. Naglingkod din siya sa Military Police Command noong 1947 sa Old Capitol ng Pasig. Isa rin siyang Retired Officer (2nd Lieutenant) ng Philippine Constabulary noong 1968.
Parangal
baguhin- Si Navarro ay nagkamit ng kanyang unang parangal noong 1967 bilang Best Supporting Actor dahil sa pagkakaganap niya sa Dahil Sa Isang Bulaklak
- Pinarangalan din siya noong 1970 ng J. Zamora High School bilang Golden Harvest Awardee.
- Naging CAT Awardee rin siya noong 1969 dahil sa Tawag ng Tanghalan
Kakayahan
baguhin- Nagsimula siyang maging emcee sa Tawag ng tanghalan noong ika-7 ng Hulyo, 1969.
- Una niyang pinamahalaan bilang direktor ang pelikulang Eden Boys sa ilalim ng Dansil Productions.
Nominado
baguhinNominado rin siya noong 1970 bilang Best Supporting Actor noon
Pelikula
baguhinUnang siyang gumanap sa pelikulang Torpe noong 1956 Deegar Cinema Inc kung saan kabituin niya sina Rosita Noble at ang ipinakikilala na si Carlos Padilla Jr.
Telebisyon
baguhinNakasama din siya sa palatuntunan sa telebisyon ang Winner Take All, Kwarta Na, Tanghalan ng Darigold, Salamat sa Regal, at Kontra Partido
Trivia
baguhin- Alam ba ninyo na si Rod Navarro ang tinaguriang Omar Shariff ng Pilipinas
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.