Rodolfo I ng Alemanya
Si Rodolfo I ng Alemanya (nakikilala rin bilang Rodolfo IV ng Habsburgo, Rudolph IV ng Habsburgo, Rodolfo ng Habsburgo o Rudolph ng Habsburgo) (Aleman: Rudolf von Habsburg, Latin: Rudolphus, Tseko: Rudolf Habsburský) (1 Mayo 1218 – 15 Hulyo 1291) ay naging Hari ng mga Romano mula 1273 hanggang sa kaniyang kamatayan. Si Rudolph ang una sa mga konde-hari, isang katawagan na itinawag sa kaniya ng manunulat ng kasaysayan na si Bernd Schneidmüller. Gumanap siya nang isang mahalagang gampanin sa pagtataas ng dinastiya ng Habsburgo upang malagay sa isang pangunahing puwesto sa piling ng Imperyal na mga dinastiyang piyudal. Orihinal na isang kondeng Swabiano, siya ang unang Habsburgo na nagkamit ng mga kadukihan ng Austria at Styria, mga teritoryo na mananatiling nasa ilalim ng pamumuno ng Habsburgo sa loob ng 600 mga taon at bubuo sa kaibuturan ng Monarkiyang Habsburgo at sa pangkasalukuyang bansa ng Austria.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Kasaysayan at Alemanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.