Roh Moo-hyun
Si Roh Moo-hyun (korea:노무현; 盧武鉉) (1 Setyembre 1946 – 23 Mayo 2009) ay naglingkod bilang ika-9 na pangulo ng Timog Korea mula 2003 hanggang 2008. Bago naging pangulo, ang karerang pampolitika ni Roh ay nakatuon sa pagtataguyod ng mga karapatang pantao para sa mga aktibistang estudyante ng Timog Korea. Ito ay lumawig sa pagtutuon na malabanan ang rehiyonalismo sa politika ng Timog Korea. Siya ay nagkamit ng malaking mga tagasunod na kabataan na nakatulong sa kanyang pagkahalal bilang pangulo.[1][2]
Roh Moo-hyun | |
---|---|
노무현 | |
9th President of the Republic of Korea | |
Nasa puwesto 25 Pebrero 2003 – 24 Pebrero 2008 | |
Punong Ministro | Goh Kun Lee Hae-chan Han Myung-sook Han Duck-soo |
Nakaraang sinundan | Kim Dae-jung |
Sinundan ni | Lee Myung-bak |
Personal na detalye | |
Isinilang | 1 Setyembre 1946 Gimhae, Gyeongsangnam-do, South Korea |
Yumao | Yangsan Busan University Hospital, Yangsan, Gyeongsangnam-do, South Korea | 23 Mayo 2009 (aged 62)
Partidong pampolitika | Unified Party (1988–1990) Democratic Party (1990–1997) Millennium Democratic Party (1997–2003) Uri Party (2003–2007) |
Asawa | Kwon Yang-sook |
Pirma | |
Serbisyo sa militar | |
Katapatan | South Korea |
Sangay/Serbisyo | Republic of Korea Army |
Ranggo | Sergeant |
Korean name | |
Hangul | 노무현 |
---|---|
Hanja | 盧武鉉 |
Binagong Romanisasyon | No Mu-hyeon |
McCune–Reischauer | No Muhyŏn |
Ang pagkahalal ni Roh ay kilala para sa pagpadating sa kapangyarihan ng bagong henerasyon ng mga politikong Timog Koreano na tinatawag na Henerasyong 386 o mga tao sa kanilang 30 taong gulang na pumasok sa unibersidad noong mga 1980 o ipinanganak noong mga 1960.[3][4]
Ang kanyang pagkapangulo ay nakasagupa ng malakas na oposisyon mula sa konserbatibong Grand National Party at media. Palagi nilang inaakusahan siya ng kawalang kakayahan at ang mga kritisismo sa kanya ay inilalathala ng media. Dahil dito, marami sa mga patakaran ni Roh kabilang ang planong ilipat ang kabisera at planong bumuo ng koalisyon sa oposisyon ay inatake rin at walang kinahinatnan. Pagkatapos ng kanyang panunungkulan, si Roh ay bumalik sa kanyang bayan sa Bongha Maeul.
Akusasyon ng korupsiyon at pagpapatiwakal
baguhinPagkatapos ng 14 na buwan, si Roh ay pinaghinalaan ng panunuhol ng mga tagapaglitis ng pamahalaan. Ang kanyang nakatatandang kapatid na si Gun-Pyeong ay kinasuhan at ikinulong noong 4 Disyembre 2008 sa ilegal na pagkuha ng 30 milyong won mula sa dating Daewoo Engineering & Construction. Noong 7 Abril 2009, ang dating sekretarya ni Roh na si Chung Sang-Moon ay dinakip. Idineklara ni Roh sa kanyang website na ang akusasyon ay dapat ituro sa aming sambahayan at hindi kay Chung. "Ang aming sambahayan ay humiling, tumanggap ng pera at ginamit ito". Ideneklara ni Roh na "Ang dapat kong gawin ngayon ay yumuko sa bansa at humingi ng tawad. Mula ngayon, ang pangalang Roh ay hindi magiging simbolo ng mga pagpapahalaga na pinupursigi ninyo. Hindi na ako kwalipikado na magsalita tungkol sa demokrasya at hustisya...Dapat ninyo akong abandonahin". Ang eskandalo ay nagresulta sa pagguho ng paksiyong pro-Roh, ng partidong Uri at pagkatalo ng kahalili nitong Democratic Party sa Pambansang Kapulugan at pagkatalo ng itinakdang kahalili ni Roh sa halalan ng pagkapangulo. Ito ang nagmarka sa pagbagsak ng mga mabuting kapalaran ng Henerasyong 386 na nagdala sa kanya sa kapangyarihan.[5]
Si Roh ay nagpatiwakal noong 23 Mayo 2009 sa pamamagitan ng pagtalon sa matayog na bundok sa likod ng kanyang bahay pagkatapos mag-iwan ng isang liham ng pagpapatiwakal sa kanyang computer.[6] Ang mga 4 milyong tao ay dumalaw sa bayan ni Roh sa loob ng isang linggo pagkatapos ng kanyang kamatayan. Ang pagpapatiwakal ay kinumpirma ng kapulisan.[7] Isinaad ni Roh sa kanyang liham ng pagpapatiwakal na: "May pagkakautang ako sa maraming tao. Nagsanhi ako ng malaking kabigatan na ilalagay sa kanila. Hindi ko matanto ang maraming mga pagdurusa sa hinaharap. Ang natitira ng aking buhay ay magiging pabigat lamang para sa iba. Wala na akong magagawa dahil sa aking mahinang kalusugan. Huwag maging labis na malungkot. Hindi ba ang buhay at kamatayan ay lahat bahagi ng kalikasan? Huwag mapoot sa kaninuman. Ito ang kapalaran. Sunugin ninyo ako. At mag-iwan lamang ng isang maliit na nitso malapit sa aking bahay. Matagal ko nang pinag-iisipan ito."
Isinaad ng ika-10 pangulo ng Timog Korea na si Lee Myung-bak na "ang balita ay talagang hindi kapani-paniwala at labis na nakakalungkot". Inihayag ng Ministro ng Katarungan na ang kaso ng korupsiyon laban kay Roh ay isasara na bagaman hindi niya isinaad kung ang pamilya ni Roh ay iimbestigahan pa rin.
Ang pagpapatiwakal ni Roh ay sinundan ng pagpapatiwakal ng maraming mga indibidwal na inimbestigahan ng korupsiyon sa Timog Korea kabilang ang dating sekretarya ni Punong Ministro Kim Young-chul, dating mayor ng Busan na si Ahn Sang-Young, dating gobernador ng probinsiyang Jeolla na si Park Tae-young, at dating executive ng Hyundai na si Chung Mong-hun. Si Roh ay dinemanda ng biyuda ng dating Daewoo E&C head na si Nam Sang-Guk dahil sa umano'y mga paninira ni Roh na nagtulak sa pagpapatiwakal ng kanyang asawa. Ang Mayor ng Yangsan na iniimbestigahan sa korupsiyon ay nagpatiwakal rin.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Watts, Jonathan (24 Pebrero 2003). "World's first internet President logs on". The Guardian. London. Nakuha noong 26 Enero 2008.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Web Site That Elected a President". Bloomberg BusinessWeek. 24 Pebrero 2003. Nakuha noong 12 Enero 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Out with the old". Newsweek. 4 Agosto 2003. Nakuha noong 23 Mayo 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Korea's Young Lions". Bloomberg BusinessWeek. 24 Pebrero 2003. Nakuha noong 12 Enero 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Fiasco of 386 Generation". The Korea Times. 2 Mayo 2008. Nakuha noong 23 Mayo 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "SKorean ex-president Roh dies in apparent suicide". Associated Press. 23 Mayo 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Mayo 2009. Nakuha noong 23 Mayo 2009.
{{cite news}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ex-President Roh Jumps to His Death". The Korea Times. 23 Mayo 2009. Nakuha noong 23 Mayo 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)