Romantisismo

(Idinirekta mula sa Romanticism)

Ang Romantisismo (Ingles: Romanticism) ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda. Ang damdaming ito ay ipinahihiwatig sa salita, parirala at pangungusap. Nagbibigay ang teoryang ito ng patunay hinggil sa mga bahaging nagpapakita ng pagtakas sa katotohanan, heroismo at pantasya.

Umusbong ang Romantisismo sa Europa noong ikalawang hati ng ikalabingwalong dantaon. Kasalungat ng romantisismo ang klasismo sapagkat ang higit na pinahahalagahan ng romantisismo ay ang damdamin at guniguni. Nagpapamalas ang romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa kalayaan ay sa lupang sinilangan, paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao, paghahangad ng espiritwalidad at hindi mga bagay na materyal, pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga karangyaan at paimbabaw na kasiyahan at kahandaan magmahal sa babae/lalaking nag-aangkin ng kapuri-puri at magagandang katangian, inspirasyon at kagandahan.

Nagpapakita ang Romantisismo ng kahalagahan ng damdamin ng isang tao. Mas pinapahalagahan pa ito kaysa mga gamit sa mundo. Anyo ito ng pag-iisip na nagpapahalaga sa indibidwal, imahenasyon, orihinalidad, at perpeksiyon. Sa romantisismo rin matatagpuan ang laging pag-aangat sa higit na mataas na antas o nibel ang kaluluwa, pag-iisip, at moralidad.

PanitikanSiningEuropa Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan, Sining at Europa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.