Romeo at Julieta
Ang Romeo at Julieta (Ingles: Romeo and Juliet) ay isang dulang isinulat ni William Shakespeare. Ang dula ay patungkol sa una sa dalawang maharlikang mga angkan na nagkaroon ng alitan kung kaya't naging magkaaway, kung kaya't ang lahat ng kanilang kabataang mga tagapaglingkod ay naging magkakaaway din. Ang kabataang mga lalaking naglilingkod para sa mga Montague at sa mga Capulet ay nasali sa mga barkada o mga gang at naglalaban-laban sa mga kalye. Dahil sa naging gawi ang pagdadala ng espada, kung minsan mayroong mga nasusugatan. Ang Verona ay pinamumunuan ni Prinsipe Escalus. Sinabi niya sa mga Montague at sa mga Capulet na dapat na mawala na ang mga paglalaban-laban, dahil kung hindi ito titigil ay magbabayad sila na hahantong sa kaparusahan, subalit napakahirap na kontrolin ang kabataang mga lalaki.
Sa mga Montague ay mayroong nag-iisang pansalinlahing supling, isang lalaking nasa kaniyang kabataan na nagngangalang Romeo. Mayroon ding nag-iisang pansalinlahing supling ang mga Capulet, isang babaeng maganda na nasa kaniyang kabataan, may edad na 13, na tinatawag na Julieta. Hindi magkakilala ang dalawang kabataang sina Romeo at Julieta, dahil si Julieta ay hindi nagpupunta kahit saan man na hindi kasama ang kaniyang yaya. Subalit nagkakilala sina Romeo at Julieta sa isang handaan at sila ay umibig sa isa't isa. Ang kanilang pag-iibigan ay dapat sanang makapaghihilom sa lahat ng mga suliranin sa pagitan ng kanilang mga mag-anak, ngunit dahil nasa kanilang kabataan pa lamang sila, inisip nilang mapapahamak lamang sila mula sa kanilang mga magulang, kung kaya't nagpakasal sila nang palihim. Dahil sa kanilang lihim na pagpapakasal, isang magkakasunod na mga pangyayari ang naganap na humantong sa maraming mga pagkamatay.
Paglalarawan
baguhinAng Romeo at Julieta ay isang trahedya na isinulat ni Shakespeare na naging pinakatanyag sa kaniyang mga dula noong kaniyang kapanahunan, sa piling ng Hamlet. Isa rin ito sa pinakamadalas itinatanghal na mga dula ni Shakespeare. Sa kasalukuyan, ang mga pangunahing tauhan ay itinuturing bilang arketipong mga mangingibig na nasa kanilang kabataan.
Ang Romeo at Julieta ay kabilang sa isang tradisyon ng kalunus-lunos na mga romansa na nagmula pa sa sinaunang kasaysayan. Nakabatay ang balangkas ng kuwentong ito mula sa isang kuwentong Italyano, na isinalinwika upang maging taludtod bilang The Tragical History of Romeus and Juliet (Ang Kalunus-lunos na Kasaysayan nina Romeus at Julieta) ni Arthur Brooke noong 1562 at muling isinalaysay na nasa anyong tuluyan o prosa sa Palace of Pleasure (Palasyo ng Kaluguran) ni William Painter noong 1567. Marami ang naging panghihiram ni Shakespeare magmula sa dalawang mga kuwentong ito, subalit upang mapalawig ang balangkas ng kuwento, nagpaunlad siya ng mga tauhang pangsuporta, partikular na sina Mercutio at Paris. Pinaniniwalaang naisulat sa pagitan ng 1591 at ng 1595, ang dula ay unang nailathala sa bersiyong quarto noong 1597. Ang tekstong ito ay mababa ang kalidad, at itinama ito sa sumunod na mga edisyon, na nagpalapit dito sa orihinal ni Shakespeare.
Ang paggamit ni Shakespeare ng kayariang pangdrama, natatangi na ang mga pampagara na katulad ng pagpapalitan ng komedya at ng trahedya upang mapataas ang tensiyon, ang kaniyang pagpapalawig ng mga tauhang hindi pangunahin, at ang kaniyang paggamit ng kabahaging mga balangkas upang magayakan ang kuwento, ay napuri bilang isang maaagang tanda ng kaniyang kasanayanang pangdrama. Ang dula ay nagtatalaga ng iba't ibang mga anyong pampanulaan sa iba't ibang mga tauhan, na paminsan-minsang binabago ang anyo habang umuunlad ang tauhan. Halimbawa na ang pagiging mas bihasa ni Romeo sa sonata habang tumatagal ang dula.
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Inglatera ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.