Bubong

(Idinirekta mula sa Roof)

Ang bubong (Ingles: roof) ay pang-itaas na bahaging pantakip sa isang gusali o bahay.[1] Kabilang dito ang lahat ng mga materyales at pagkakagawa na kailangan para suportahan ito sa mga pader ng gusali o sa mga poste; nabibigay ito ng proteksyon laban sa ulan, niyebe, sikat ng araw, matinding temperatura, at hangin.[2] Bahagi ng bilot-edipisyo ang bubong.

Halimbawa ng bubong

Nakadepende ang mga katangian ng bubong sa layunin ng tinatakpang gusali, sa makukuhang materyales, at tradisyon sa konstruksyon ng lokalidad at mga mas malawak na konsepto ng disenyong pang-arkitektura at maaari ring pamamahalaan ng lokal at pambansang batas. Sa karamihan ng mga bansa, nagpoprotekta ang bubong laban sa ulan. Ang veranda ay maaaring bubungan ng mga materyal na nagpoprotekta laban sa sikaw ng araw ngunit tumatanggap sa mga ibang elemento. Pinoprotektahan ng bubong ng konserbatoryo ang mga halaman laban sa lamig, hangin, at ulan, ngunit tumatanggap ito ng liwanag. Maaari ring magbigay ang bubong ng karagdagang tirahan, tulad ng hardin sa bubong.

Isang kubo gawa sa mga sangay ng datilero sa Neot Semadar, Israel

Tinatawag na alipapa[3] ang mga patag na bubong ng bahay o gusali.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Leo James English, Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
  2. Harris, Cyril M. (editor). Dictionary of Architecture and Construction, Third Edition, New York, McGraw Hill, 2000, p. 775
  3. English, Leo James (1977). "Alipapa, flat roof". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)